Coverage ng Kapuso Network, tinutukan nationwide

Tulad sa nakaraang eleksyon, wide coverage at komprehensibo ang naging #Eleksyon2025 coverage ng GMA 7 na nagsimula noong May 12 hanggang May 13.
Buong-puwersa ang GMA Integrated News sa pag-ere ng balita at updates mula sa iba’t ibang sulok ng bansa. Napapanood sina Mel Tiangco, Vicky Morales, Arnold Clavio, Emil Sumangil, Pia Arcangel, Ivan Mayrina, Atom Araullo, Kara David, Howie Severino, Susan Enriquez, Connie Sison, Raffy Tima, Mariz Umali, Sandra Aguinaldo, Maki Pulido, at ang buong hanay ng mga Kapuso reporter mula Luzon, Visayas, at Mindanao.
Maraming netizens din ang updated via eleksyon2025.ph ang dedicated digital platform ng network para sa komprehensibo at real-time na pag-uulat ng midterm elections.
Sey pa ng isang netizen, tuwing eleksyon at talagang favorite niya ang coverage ng Kapuso Network. Nagpasalamat naman ang isa, saludo raw siya sa mga bumubuo ng GMA Integrated News.
Bongga rin ang set at graphics ng GMA. Ang high tech.
Bago pa man ang mismong araw ng eleksyon, tinutukan na ng GMA Integrated News ang eleksyon. Bukod sa special reports sa mga newscast, nagpalabas din ng mga primer at dokyu ang GMA na related sa pagpili ng susunod na batch ng liders ng bansa.
- Latest