Kristine, nawindang sa hitsura ng anak!

Ang bongga ni Kristine Hermosa na hindi rin daw talaga natiis ang kagwapuhan ng anak niyang lalake.
Ipinost niya ang litrato ng anak niya na si Isaac na ang gwapong bata.
Sa caption niya ay kasalukuyan niya raw iyong pinapagalitan pero hindi niya makuhang magalit dahil na-shock raw siya sa kagwapuhan nito ng moment na iyon.
Ang ending daw ay ang anak ang nagalit sa kanya sa kakakuha niya ng litrato dahil hindi niya talaga natiis ang hitsura nito.
Irony of motherhood raw.
Talagang namana ng anak nila ang kagwapuhan ng tatay niyang si Oyo Sotto at kagandahan ng mommy niyang si Kristine.
May mga nagsasabi nga na carbon copy pa ito ni Kristine lalo na at kulot din ang buhok ng bagets.
Napagkamalan pa ngang anak iyon nina Sofia Andres at Daniel Miranda na may hawig din kasi sa daughter nilang si Zoe.
Habang meron din daw hawig sa daughter nina Andi Eigenmann at Philmar Alipayo na si Lilo.
‘Kaloka.
Kung ngayon pa nga lang ay lutang na ang kagwapuhan nito ay siguradong mas guguwapo pa ito habang lumalaki na mukhang anghel pa nga raw.
At sigurado ring mamamana nito ang charm ng lolo niyang si Bossing Vic Sotto.
Ngayon pa nga lang ay inaasahan nang magiging heartthrob ito na bagay na bagay nga sa showbiz.
Landscape ng pamahalaan, maiiba sa mga bagong nanalo
Siguro, Salve, kahit shocked ako sa naging resulta ng midterm elections, naniniwala ako na impressive ang resulta ngayon dahil ipinakita ng Gen Z na hindi popularity ang pinili nila ngayon.
Maganda ang background ng mga nanalo at mukhang iyong educational achievement ng mga ito ang tiningnan nila. Tiyak na maiiba ang landscape sa Senate at sa iba pang posisyon ng gobyerno.
Maganda ‘yung nakita rin ng marami ang nakakaawang lagay ng mga public school na ginamit sa botohan.
Imagine hanggang ngayon pala nao-overlook ang mga gamit ng mga batang nag-aaral sa mga public school. Kung iisipin na kahanga-hanga rin ang brains at knowledge ng mga bata sa public school. Maraming graduate ng public school ang kahanga-hanga ang mga utak at kakayahan.
Kaya dapat lang talaga na iniingatan ang mga kabataan.
‘Kaloka talaga na nakita ni John Arcilla na sira-sira na ang mga kagamitan sa public school kung saan siya bumoto.
Pero eye opener na ngayon iyan, siguro magagawan iyan ng paraan ng gobyerno ngayon.
Bongga.
- Latest