^

PSN Showbiz

KC, may dasal sa mga nanalong kandidato!

Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon
KC, may dasal sa mga nanalong kandidato!
KC Concepcion
STAR/File

May mga nag-react sa post ni KC Concepcion na binati ang winners sa katatapos na 2025 midterm elections. Isyu sa nakabasa sa kanyang post na wala siyang pangalang binanggit.

“Big love and congratulations sa lahat ng nanalo at na-re-elect ngayong eleksyon. Lalo na sa mga kaibigan at kapamilyang ngayon pa lang papasok sa posisyon, at sa mga muling pinagkatiwalaan ng taongbayan.

“Tahimik man akong nanonood mula sa sidelines this time around (life lately has been more about healing and health care), this sunset reminded me: every ending is the start of a new chapter. A gentle pause before a powerful beginning!

“Nakakataba ng puso to witness this chapter unfold. The real work begin now... I pray our newly elected (and re-elected) lead with cou­rage, and stay grounded and anchored in service, not self. Para sa tao. Para sa bayan. For the generations to come. God bless our leaders and may He guide every step forward!

“Always, KC xx.”

May mga nag-comment sa magandang sinulat niya, pero may nag-comment din ng “Congratulations, Dad, would have just fine” na ang tinutukoy ang pagkakapanalong senador ni Kiko Pangilinan na “dad” ang tawag niya.

May nag-comment pa na sana, kinongratulate niya si Senator Kiko at isa sa follower niya ang sumagot. Siguro raw nag-message ito in private sa dad niya at in private na lang ang pagko-congratulate niya.

Bea, pinag-interesan sa Convention

Ang daming nagkainteres na dumalo sa Puregold Sari Sari Store Convention 2025 nang malamang guest sa May 16 si Bea Alonzo. Baka raw makita nila sina Bea at Vincent Co, ang anak ng owner ng Puregold na nababalitang boyfriend na ng aktres.

May nagtanong kung puwede ba silang pumunta at kung kailangan ba nilang magpalista? Kaya lang, sa nabasa namin, exclusive ang nasabing petsa sa Perk members ng Puregold, ‘yung membership card ng shoppers ng Puregold. Kaya sorry na lang sa hindi members dahil hindi sila makakapasok at hindi nila makikita sina Bea at Vincent.

Ang open sa lahat, kahit ilan pa ang pumunta sa World Trade Center ay sa May 17. Kabilang sa guest sa third day ng convention sina Paolo Ballesteros at Marian Rivera at marami pang iba.

Nakakatuwa ang comment ng netizens, tinatanong kung nasa original list ng guest si Bea o baka raw kinuha lang noong mabalita na sila na ni Vincent. Ang iba naman, inaalam kung may talent fee si Bea at kung magkano.

Ara, may pangako kahit talunan!

Nag-concede si Ara Mina May 13 pa lang, nagpasalamat ito sa mga Pasigueño kahit hindi siya nanalo nang tumakbong konsehal sa Pasig. Nangako ang aktres na itutuloy ang ipinangakong advocacy para sa mga kabataan, ina, senior citizens at PWD.

Sabi nito, “Maraming salamat, Pasig! Hindi man ako pinalad na manalo bilang Konsehal, tagumpay pa rin sa puso ko ang bawat yakap, suporta, at tiwalang ipinagkaloob ninyo sa akin. Sa bawat kaway, ngiti, at dasal na aking natanggap—ramdam ko ang tunay na pagmamahal ng Pasigueño.

“Ang laban ay hindi natatapos sa halalan. Ito ay simula pa lamang ng mas masigasig kong pag­lilingkod sa inyo, sa anumang paraan na kaya ko. Patuloy kong dadalhin ang boses ng mga kabataan, senior citizens, at mga PWD—dahil sila ang inspirasyon ng aking adhikain.”

KC CONCEPCION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with