Beauty Queen, sexy star, tv host, komedyante, at iba pang celeb, nilaglag ng Gen Z at Millennials!

Marami-raming celebrity na kumandidato sa nakaraang midterm elections ang hindi sinuwerte.
Kabilang na ang mga nasa survey na inasahang mananalo.
Pero sadly, hindi sila nakalusot sa millennials and Genz voters.
Tulad ni Willie Revillame na habang papalapit ang election noong Lunes ay tumataas ang numbero sa survey, pero sa partial and unofficial result, hindi siya nakapasok sa Top 12 ng mga nanalong senador, nasa number 22 na siya at mas marami pa sa kanyang boto si Colonel Bosita na isa palang rider.
Ganundin ang actor na si Phillip Salvador na umaasa rin daw na magwawaging senador pero malayung-malayo rin ang bilang ng boto sa mga nananalong senador.
Klarong hindi na popularity ang labanan. Kasi pati ang Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao, nakakagulat na hindi man lang nakasali kahit sa Top 15 ng mga nanalo sa partial and unofficial result.
At marami naman ang nagulat at nalungkot na nanganganib din si Sen. Bong Revilla na hindi makabalik sa Senado dahil as of this writing, nasa number 14 na siya.

Pero sa totoo lang, nanggulat si Atty. Jimmy Bondoc na ang taas ng nakuhang boto, as of yesterday afternoon, meron na itong 10,205,196, kahit natalo siya na kumandidatong senador sa unang pagkakataon, malaking boto pa rin ‘yun.
Kabilang naman sa mga natalo na kumandidato para sa Kongreso sina Marco Gumabao – Fourth Legislative District of Camarines Sur; Ejay Falcon – Representative of the Second Legislative District of Oriental Mindoro; Lino Cayetano sa Taguig-Pateros District and Rey Malonzo, Caloocan City.
Hindi man showbiz, pero suki naman siyang pag-usapan, Mark Leviste, na natalo rin sa Batangas, 3rd District.
Ganundin si Dan Fernandez ng Laguna na tinalo ng former journalist na si Sol Aragones.
Unlucky naman sa pagka-Vice Governor si Luis Manzano sa Batangas na isang veteran ang nakalaban, si Dodo Mandanas.

Ganundin si Jorge Jerico Ejercito, kumandidato sa Laguna at si Gem Castillo.
Talo naman sa pagka-mayor sina Sam Verzosa at Raymond Bagatsing (Manila); Victor Neri (Makati), Emilio Garcia (Bay, Laguna), Dj Durano – Sogod, Cebu; Arnold Vegafria – Olongapo, Zambales at Bobet Vidanes (Pililla, Rizal).
Hindi naman pinalad na maging Vice Mayor ulit si Yul Servo ng Manila. Ganundin si Philip Cezar – sa San Juan, Monsour del Rosario sa Makati.
Maging si Angelika dela Cruz ay hindi lumusot na Vice Mayor sa Malabon at si Anjo Yllana sa Calamba, Laguna.
Talunan din sina Marjorie Baretto sa Caloocan (1st District ) at ang ex-husband niyang si Dennis Padilla (Caloocan, 2nd District ).
Kasama rin sa mga natalo ang mga sumusunod sa pagka-councilor: Ara Mina (Pasig, 2nd District)
Shamcey Supsup (Pasig, 1st District )
Enzo Pineda (Quezon City, 5th District )
Ali Forbes (Quezon City, 4th District)
Aljur Abrenica (Angeles City, Pampanga)
Abby Viduya (Parañaque, 1st District)
Ryan Yllana (Parañaque, 2nd District)
Bong Alvarez (Manila, 3rd District )
Mocha Uson (Manila, 3rd District )
Neil Coleta (Dasmariñas Cavite)
Kabilang din sa mga ligwak sa halalan si Roi Vinzon na tumakbong Board Member sa Benguet.
Sa listahan ng mga nanalo, nangunguna sina Tito Sotto and Lito Lapid sa senado.
Kumabit si Sen. Lito sa number 12.
Considered showbiz na rin ang nanggulat na sina Bam Aquino (number 2) and Kiko Pangilinan (number 5) na parehong sinuportahan ng maraming taga-showbiz ang laban.
Muli ring uupo si Richard Gomez bilang Leyte 4th Distrtict Representative, si Arjo Atayde sa 1st District ng Quezon Ciy, Jolo Revilla bilang Representative ng First District ng Cavite and Lani Mercado sa Second District ng Cavite.
At pinalad naman si Ryan Christian Recto bilang bagong Kongresista ng District 6, Batangas.
Governor naman ulit si Daniel Fernando ng Bulacan at si Star For All Sesons Vilma Santos sa Batangas.
Habang si Alex Castro ay Vice Governor ulit sa Bulacan.
Wala namang nagawa ang yaman ng kalaban ni Vico Sotto sa Pasig City kung saan siya ang muling nanalo.
Ganundin si Ormoc Mayor Lucy Torres na waging-wagi ulit sa pagka-Mayor.
Maging ang dating sexy actress na si Jennifer Mindanao-Cruz sa Pola, Oriental Mindoro, ay uupo ulit na mayor.
Babalik namang Mayor ng Manila si Isko Moreno na pinatumba ang dalawang kalaban at maging si ER Ejercito sa Pagsanjan, Laguna, na pinagtibay noong nakaraang buwan ng Supreme Court (SC) ang graft conviction kaugnay sa umano’y illegal insurance deal na inaprubahan niya bilang alkalde ng Pagsanjan noong 2008.
Vice Mayor naman ulit sina Dodot Jaworski sa Pasig at Gian Sotto sa Quezon City habang ang mister ni Alex Gonzaga na si Mikee Morada ay nagwaging Vice Mayor ng Lipa City.
Number 1 councilor si Angelu de Leon sa Second District ng Pasig; Kiko Rustia sa First District ng Pasig; Aiko Melendez and Alfred Vargas, 5th District of QC; Joaquin Domagoso, anak ni Isko Moreno sa First District ng Manila.
Nanalo ring councilor sina Lou Veloso sa Manila 6th District; James Yap, Don Allado and Ervic Vijandre sa San Juan; JC Parker, Angeles City Pampanga; Maricel Morales – Angeles City, Pampanga and Cai Cortez – Taytay Rizal
Board Members naman sina Jestoni Alarcon – Rizal, 1st District; Angelica Jones – Laguna, 3rd District ; Arron Villaflor – Tarlac, 2nd District and Jason Abalos – Nueva Ecija, 2nd District.
- Latest