Jessy, proud pa rin kay Luis; Marco at Ejay, mabilis natanggap ang pagkatalo

May assurance kaagad si Jessy Mendiola na proud siya sa mister na si Luis Manzano sa kabila ng pagkatalo nito.
Aniya sa isang post : “Still so proud of you, @luckymanzano, I love you.”
Dagdag pa niya : “One of the greatest gifts is knowing that God’s plans are always more beautiful than your disappointments. HE will sustain you during your hardest battles and save you from harm’s way because only HE knows what is meant for you.”
Samantala, mabilis namang nag-concede si Marco Gumabao sa pagkatalo sa Bicol:
“Sa bawat nakipagkamay, nakipagkwentuhan, at nagbukas ng puso’t tahanan sa amin nitong nakaraang mga buwan—taos-puso po ang aking pasasalamat.

“Hindi man ito ang resulta na aming hinangad, alam kong ibinigay natin ang lahat, at buong puso tayong lumaban.
“Sa lahat ng bumoto, sumuporta, tumulong, at naniwala—salamat po sa pagtanggap sa amin, sa inyong tiwala, at sa pagmamahal na ipinakita ninyo sa bawat sulok ng Partido.
“Isang malaking tagumpay na kayo ay aming nakilala. Ang dami kong natutunan at nadama, at hinding-hindi ko po makakalimutan ang bawat kwento at pangarap na ibinahagi ninyo sa akin.
“At para sa lahat ng tumulong at naging bahagi ng laban na ito—hindi ito ang katapusan. Nandito lang ako. Hindi ko kayo iiwanan.”
Ganundin si Ejay Facon na mabilis natanggap ang pagkatalo : “Nag desisyon na po ang Oriental Mindoreños, hindi man po pumabor sa inyong lingkod ang naging resulta, pero masaya po ako na ibinigay po natin ang lahat ng ating makakaya para ipakita ang malinis nating intensyon na malingkod sa ating lalawigan.”
- Latest