Jimmy Bondoc, mas marami pang boto kesa kay Willie

Sana naman hindi pa final ang lumabas na resulta ng election. Sobra akong disappointed sa nakuhang resulta kay Bong Revilla.
Hindi ko rin matanggap na ganun karami ang boto ni Willie Revillame. At lalo sigurong hindi ko matatanggap kung uupo siya na senador na hindi na mangyayari kahit kailan dahil base sa partial and unofficial result, nasa number 23 na siya.
Para talagang komedya na ang election natin kung mangyayari iyon.
Gusto ko naman ang panalo ng Vargas brothers dahil totoo namang nakita ko ang trabaho nina Coun. Alfred at Cong. PM.
Wala nang posibilidad na mananalo si Willie dahil mas malaki pa ang boto sa kanya ni Jimmy Bondoc.
Isang bad dream na parang bangungot talaga para sa kanya ang nangyari kaya lagi kong alalahanin ang naging treatment niya kay Jopay Manago na nagtrabaho at sobrang dedicated sa kanya pero hindi niya binigyan ng pagkakataon upang magtrabaho kahit may edad na.
Electing our leaders is a gauge of how we trust those who will run our country, let us be wise and choose the best.
‘Kaloka na sobra na ang pambu-bully nila kay Bong Revilla. Dahil ba mas pinili niya ang mas kumampi kay Pangulong Bongbong Marcos, o ipakita na ayaw niyang magpalit ng kulay, ganun na ang trato nila rito?
Masyadong personal ang birada ng ilan, below the belt na ang sinasabi ng iba.
Sana naranasan nila na makilala si Bong Revilla. Sana natikman din nila ang tunay na bait at lambot ng puso nito.
Hindi ako malulungkot kundi siya maging senador. Mas sad ako sa kapag naniwala ang tao sa paninira na ginagawa ng mga kalaban niya.
Masakit isipin na para lang masira si Bong ay nagiging marumi na ang kalaban.
How sad to go so low para lang makasira ng tao.
He is the kindest, most trustworthy person na makikilala n’yo.
Basta, Bong Revilla, magtiwala at maniwala ka. Bongga.
- Latest