^

PSN Showbiz

Pinagdarasal na makasampa sa top 12... Sen. Bong, nagpasalamat pa rin

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Pinagdarasal na makasampa sa top 12... Sen. Bong, nagpasalamat pa rin
Sen. Bong Revilla

Lalo kaming napabilib kay Sen. Bong Revilla sa maayos na pananaw kaugnay sa katatapos lamang na halalan.

Nag-post siya sa Facebook ng emoji na praying hard, kaya dinagsa ito ng mga mensahe ng suportang patuloy silang nanalangin na makasampa siya sa top 12.

May kasunod na siyang post sa Facebook ng pasasalamat sa lahat na sumuporta sa kanya.

Sabi niya, “Thank you very much my countrymen! Despite the unexpected, my heart overflows with gratitude for your constant love and support.

“As we travelled together across the country, I will never forget every sweet smile, tight hug, and warm welcome. Your trust is engraved in me; as well every drop of sweat and sacrifice of everyone who helped and worked hard in our campaign.

“Serving is a privilege from you and the Lord, and we always commit to God what we do.

“Ever since I started serving the country 30 years ago, I always say that politics should only be 90 days in national and 45 days in local.

“May, now that this is era is over, we find ourselves reunited under our one flag.”

Samantala, ipinroklama na rin si Cong. Lani Mercado bilang Representative ng Lone District of Bacoor. At patuloy lang sila sa panalangin, kung ano talaga ang ipinag-adya ng Panginoon kay Sen. Bong.

Sabi nga ni Cong. Lani, nang maka-text ko siya, ang Panginoon daw talaga ang bahala kung ano ang plano sa kanyang asawa.

Si Cong. Jolo Revilla naman na muling hinalal na Congressman ng 1st district ng Cavite ay nag-post sa kanyang Facebook account ng pananaw niya sa katatapos lang na eleksyon.

Aniya, “Isang araw lang ang eleksyon, huwag nating sirain ang MAAYOS nating RELASYON. Bahala na kung magkaiba ang ating kandidato, manatili pa rin tayo bilang MAGKAIBIGAN.”

Gina, may ‘tampo’ kay Nora

Araw ng eleksyon nung Lunes ay first shooting day ng pelikulang Faney na tribute movie para kay Nora Aunor.

Nag-shoot sila sa Antipolo tampok ang mga premyadong aktres na sina Laurice Guillen, Gina Alajar, Angeli Bayani at Althea Ablan.

Ideya ito ni direk Adolf Alix kasama ang producer na si RS Francisco.

Ang napili nilang gumanap na isang avid fan ni Nora Aunor ay si Laurice Guillen.

Anak niya rito si Gina Alajar na may tampo raw kay Nora Aunor, dahil napapabayaan daw sila dahil sa kasusunod nito sa namayapang superstar.

“Unang-unang naisip ko, si direk Gina. Bukod sa nakakatrabaho ko siya lagi rin, lagi rin silang magkatrabaho ni Ate Guy.

“Magkumare sila at marami silang pelikulang pinagsamahan. So sabi ko, magandang nandito si direk Gina.

“Tapos nag-isip po kami ngayon ‘yung sakto sa age ng profile ng mga fan ni Ate Guy.

“Sabi ko, ang maganda kung papayag ay si direk Laurice Guillen dahil ‘yun nga, nakatrabaho siya ni Ate Guy sa iba’t ibang pelikula and at the same time, naging direktor din po siya ni Ate Guy sa Kung Ako’y Iiwan Mo,” saad ni direk Adolf Alix.

Challenge rin daw kay direk Laurice na gumanap bilang isang faney dahil hindi naman daw talaga siya naging fan.

“So, that was the main reason I didn’t want to ano. Kasi naiisip ko, o ang buhay ng fan ang hirap kaya. Masarap para sa kanila. Pero kung hindi ka fan, ang hirap,” saad ni direk Laurice.

 

ELECTION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with