Survey, nawalan ng silbi?!
Walang silbi ang mga naglabasang survey bago nag-election.
Wala sa listahan ng mananalo sina Kiko Pangilinan and Bam Aquino. At maging si Rodante Marcoleta, pero ang tataas ng number nila sa partial and unofficial result ng May 12 midterm elections.
Actually, natanong namin ito kay now Sen. Kiko, tho wala pang proclamation, sa last presscon with the entertainment na suporta ng Regal Entertainment sa kanyang kandidatura, ilang araw bago naganap ang election
That time wala siya sa survey kaya tinanong namin siya kung naniniwala ba siyang mind conditioning ito : “May pros and cons, eh, syempre freedom of speech ‘yan ‘di ba. So release this researcher. Dapat lang siguro maging mapagbantay ‘yung ating mga kababayan and use media, and our media should also be very critical to correct and to expose ‘yung mga posibleng fake news,” sagot niya sa amin.
At ang katwiran niya pa: “Pero may mga datos na nagsasabi, marami sa mga kababayan natin hindi napapaimpluwensyahan sa social media, hindi naiimpluwensyahan ng mga survey. Meron pero sabi nila hindi significant. Mostly ‘yung mga nagco-cover, siguro ‘yung mga pulitiko mismo, pero yung man on the street na botante, hindi eh. And I go by tenet, na if you prohibit it, you ban it then that’s also a violation of freedom of our speech, of expression. So you have to balance it. Siguro ang pinakamaganda diyan, you can regulate it, point out, and the mainstream media should be involved there. Point out the pros and cons of the surveys why they are… which are accurate, which aren’t, why they make mind conditioning para mae-educate rin ‘yung voter.”
Aminado si now Sen. Kiko na unexpected ang pagiging number 5 niya sa ginaganap na bilangan ng boto.
Iyak nang iyak si Sharon Cuneta sa nasabing presscon last week dahil nga sa fake news na malamang ay nakatulong upang ma-realize ng mga voter na hindi dapat basta naniniwala sa mga nababasa sa social media.
- Latest