Netizens gustong patirhan kay Kris...Zsa Zsa, nagbukas ng heritage house

There was a time pala na naging resistant na si Zsa Zsa Padilla sa antibiotics na iniinom niya for UTI. Ito nga ang kasama sa inamin niya kamakailan para sa kanyang comeback concert sfter ten years, Zsa Zsa: Through the Years, which will be held on May 17 at the Samsung Performing Arts Theater in Ayala Malls Circuit.
“Ang nangyayari pala nagre-reflux na ‘yong wiwi, from the bladder, umaakyat na siya uli sa left kidney ko. Ito ang ginagawa ko to save my left kidney [kasi s’yempre] gusto mo may dalawang kidney pa rin. Mabubuhay pa [rin] kahit isa [lang ang] kidney pero ‘di ba mas maganda ‘yong dalawa ang kidney mo.
“Noong nag-laparoscopic surgery ako, tinanggalan pala ako, tinanggalan ako ng growth sa left kidney, nabawasan na ‘yong kidney na ‘yon. Hindi na siya buo, may bawas na. But thank God it was not cancer. Sabi rin ng mga doctor, kapag natanggal na ‘yon hindi na siya cancer, talagang tanggal na. So, thank God for that,” dagdag niyang paliwanag.
Kaya naman ngayon, bukod sa concert, naasikaso na niya ang kanyang mga negosyo.
Kahapon ay nag-post siya ng bago niyang property kasama ang karelasyong si Conrad Onglao, ang ang The Heritage House : “We created this place para sa mga special moments ninyo - whether it’s a small wedding, birthday, or any event na hanggang 100 guests. Para mas convenient sa inyo, may mga curated packages na kami to suit your needs.
“Ang The Heritage House ay isang labor of love. Nung nakuha namin ang remains ng isang ancestral home dito sa Batangas City, si Conrad mismo ang nag-design ng restoration. Pinaghalo niya ang traditional Filipino architecture with a touch of elegant colonial style. Yung mga original na kahoy? Ni-repurpose para sa second floor- kaya kahit bago ang bahay, ramdam pa rin ang history.
“We hope na dito sa The Heritage House, makakabuo kayo ng mga memories with your loved ones na tatatak for years to come,” sabi niya sa post na kaagad naisip ng iba na pwedeng tirahan ni Kris Aquino habang nagpapagaling.
Nabanggit ni Kris na naghahanap siya ng malilipatan na pwede siyang ‘makahinga.’
- Latest