^

PSN Showbiz

Jillian, todo workout

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Jillian, todo workout
Jillian Ward

Napapanood na ngayon si Jillian Ward sa Mga Batang Riles na pinagbibidahan nina Miguel Tanfelix, Kokoy de Santos, Raheel Bhyria, Anton Vinzon, at Bruce Roeland. Ayon kay Jillian ay talagang masaya sa taping ng naturang serye kahit na maaksyon ang mga eksena rito. “Kahit super professional sila, hindi pa rin nila nakakalimiutan to have fun. Kumbaga very lighthearted po ‘yung set nila. So, feeling ko mai-enjoy ko ‘to,” nakangiting pahayag ni Jillian sa 24 Oras.

Ginagampanan ng dalaga ang karakter ni Lady na nagtatrabaho sa isang kumbento. Para kay Jillian ay kailangang pakaabangan ng mga manonood ang kanilang eksena ng karakter ni Raheel na si Sig. “Medyo mataray siya kay Sig. parang naiinis siya kapag nagpapa-cute sa kanya si Sig,” paglalahad ng Kapuso actress.

Pinaghandaang mabuti ni Jillian ang pagkakasama sa action-drama series ng GMA. Noon pa raw pinapangarap ng aktres na makagawa ng maaaksyong eksena. “Gusto ko talagang ma-try mag-action. Actually po no’ng nagpapahinga po ako no’ng hindi ako nagte-taping, talagang tumatakbo ako, ganyan. And nagwo-workout talaga ako sana ma-feel ko na, ‘Ay! Medyo action star ako.’ Magpapaturo ako sa mga Batang Riles dahil sila naman talaga ang pro sa ganyan,” pagtatapos ng dalaga.

Kiray, ayaw ng star-studded na kasal

Kamakailan ay naganap ang engagement nina Kiray Celis at Stephan Estopia. Milyon umano ang halaga ng engagement ring ng aktres dahil talagang hiniling daw ni Kiray ito mula sa nobyo. 3-carat diamond ring ang ibinigay ni Stephan sa dalaga. “Kaya rin di matuluy-tuloy ‘yung pagyaya niya sa akin kasi sabi ko ang minimum ko ng singsing, isang milyon. Kasi kapag nangailangan tayo, eh di ibenta ko ‘yung singsing. Totoo, kapag wala na tayong makain, eh di itong singsing. Hindi naman sa ibebenta ko, pero in case of emergency kumbaga. And sa singsing daw po masusukat ang worth ng isang babae. Parang binibili mo siya kapalit ng pagiging dalaga niya. Asaran lang naman, di ko alam na sineryoso niya,” nakangiting kwento ni Kiray sa YouTube channel ni Julius Babao.

Hindi raw inakala ng dating child star na maraming kailangang asikasuhin kapag magpapakasal ang isang magkasintahan. “Nagulat ako kasi ang dami palang preparations sa kasal. Hindi ko naisip na ang venue, 1 year ang preparation. Dito lang naman sa Manila, siyempre ang bisita namin hindi lahat may kotse. Parang gusto ko, malapit lang din sa kanila. ‘Yung date na gusto ko, na ina-eye, na soon isi-share ko, ang hirap po, fully booked na. Ang dami, ang daming gustong ikasal ng December. Tapos sobrang busy ng mga tao, sa mga Chirstmas party, kaya wala na sa gusto ko (na wedding date),” pagtatapat ng dalaga.

Siniguro ni Kiray na ngayong taon magaganap ang kanilang pag-iisang dibdib ni Stephan. Mayroon nang napiling primary at secondary sponsors ang aktres para na nalalapit na kasalan. “This year pa rin. Actually, inuna ko pa ‘yung mga ninong, ninang, bridesmaid, kasi sinecure ko na. Very intimate lang ‘to. Tinanong ako ng wedding coordinator ko, kung gusto ko ba star-studded. Siyempre trending ka kapag star-studded. Inisip ko ang gusto ko ‘yung mga mahal ko lang talaga na kilala ako, kilala siya. Hindi kailangang may asikasuhin ka. Parang close tropa-tropa lang ‘yung nando’n,” pagbabahagi ng dating child actress. — Reports from JCC

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with