Pangulong Marcos, madaling lapitan kahit haggard na ang awra!

Naku Salve, alam mo ba na super excited ako sa naganap na election kahapon.
Para kasing kakaiba ang mga nagaganap kaya naman iba rin ang vibes na nabibigay sa tao.
Talagang dahil nga siguro na parang pati mga kandidato parang iba rin ang aura sa natapos election.
Maaga pa lang kahapon ay napanood ko na sa TV iyon pagboto ni PBBM sa Ilocos kasama si dating FL Imelda Marcos. Talagang iba ang charisma ni President Bongbong. Napaka-charming ng mukha at kilos niya, parang hindi ka matatakot lapitan at kausapin.
Kaya siguro kahit pa nga ano pa ngayon ang mga tirada sa kanya, keber ang mga tao dahil alam nila na lahat naman ng leaders natin ganun din ang ginagawa ng mga kalaban.
Kaya naman cool at relax lang siya na hahangaan sa kanya.
Ewan ko ba kung bakit lahat ng reklamo sa kanya ibinabato.
Parang napaka-unfair naman na lahat sa Presidente natin isinisisi. Dapat din natin isipin na sa rami nang problema ng bayan siguro naman dapat din na maunawaan natin na overload na ang trabahong ginagawa.
Paulit-ulit kong sinasabi na noong una fresh na fresh pa si PBBM ngayon tingnan mo, haggard na at parang wala nang oras magpahinga.
‘Wag tayong maging harsh. Intindihin natin na hindi lang naman siya ang namumuno sa ating bayan.
Ayun lang, basta bumuto ako kahapon at nagtiiis ako ng mahabang oras sa pila para maiboto ko ang taong gusto kong manalo.
Wala sa akin kung sino ka, basta ang importante, kilala ko ang ibinoto ko. Walang epekto sa akin ang mga nangangampanya.
Well, abangan natin ang resulta. Dahil by this time, alam na natin kung sino ang mga nangunguna lalo na sa local level.
‘Yun lang at babu na.
- Latest