^

PSN Showbiz

MMFF movies, sunud-sunod ang showing sa streaming platform

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

Ang bilis nang pasok ngayon ng mga local films sa Netflix.

Nakakagulat na parang kaso-showing lang sa sinehan, may schedule na ang streaming nito sa Netflix.

Nagsisimula na ring pumapasok ang mga entries ng Metro Manila Film Festival 2024. Kagaya ng Hold Me Close ng Viva Films na nagsimulang mag-streaming noong May 8, ngayon ay nasa number 2 na sa top 10 movies.

Naka-schedule na rin sa May 15 ang My Future You ng FranSeth, at sa May 22 naman ang Espantaho, gamit ang English title na Scarecrow at ang Uninvited ni Ms. Vilma Santos ay sa June 5.

Nabigla rin kaming naka-schedule na rin ang iba pang pelikulang kaso-showing lang sa mga sinehan.

Ang Ex Ex ­Lovers na Valentine movie nina Marvin Agustin at Jolina Magdangal ay sa May 20 na rin pala ang streaming. Parang ang bilis bilis, na kung nakaligtaan mong panoorin sa sinehan, maghintay ka lang nang konti, nasa streaming platform na ito.

Pati ang Everything About My Wife ng mag-asawang Dennis Trillo at Jennylyn Mercado ay may schedule na rin sa May 29 sa naturang streaming service.

Sabi ni Dennis nang nakatsikahan namin sa launching nito bilang brand ambassador ng Belle Dolls ng Beautederm, masaya raw sila sa kinalabasan ng kanilang first production. Kaya tuluy-tuloy daw ang kanilang pagpo-produce.

“Tuloy pa din. Ngayon, maraming nagpi-pitch, naghahanap lang kami ng tamang material,” bulalas ni Dennis.

Malaki talaga ang naitulong ng Netflix kaya nakakabawi ang ibang producer.

Akala nga namin, na-disappoint sila sa first production nilang Everything About My Wife, happy naman daw sila sa kinalabasan nito at nababawi raw nila.

“Kaya yun…napaka-importante sa amin na piliin talaga, i-curate yung gusto namin yung mga gusto naming gawin,” saad ng Kapuso Drama King.

Nagkasundo raw silang mag-asawa sa gusto nilang susunod na ipo-produce ng Brightburn.

Kung may magandang material, gusto sana nilang makasali ang kanilang production sa susunod na Metro Manila Film Festival.

Botohan ng PBB, malaki ang gastos

Buhay na buhay ang Maya Philippines dahil dito sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab.

Ang lakas nang botohan bago ang eviction night, para ma-save ang paborito mong duo.

Ngayon ay nadagdagan na naman nang pagkakagastusan ng mga sumusubaybay sa reality show na ito, dahil meron silang wild card.

Ito nga ang sinasabi nilang “wild announcement” na inihayag nung Linggo.

May dalawang evicted housemates na pababalakin sa Bahay ni Kuya.

Ibig sabihin, extended pa ito.

Walo na ang evicted, pero anim lang ang pagpipilian dahil hindi sumali ang MiLi duo na sina Michael Sager at Emilio Daez gawa nang may natanguan na silang commitments.

Kaya tatlo sa Kapuso na sina Ashley Ortega, Charlie Flemming, at Josh Ford ang pagpipilian kung sino ang gusto niyong pabalikin sa Bahay ni Kuya.

Sa Kapamilya ex-housemates naman ay sina AC Bonifacio, Ralph de Leon, at Kira Balinger.

Sa Maya lamang puwedeng bumoto na sa halagang 10 pesos ay may 10 votes, 50 pesos naman sa 50 votes at 100 pesos sa 100 votes.

Sa Sabado nila ia-announce kung sino ang papalaring makabalik sa Bahay ni Kuya. Kaya buong linggo itong pagkakakitaan ng naturang digital payment company.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with