Josh, titira na sa mga Binay

Sa isa sa latest post ni Kris Aquino, may ibinalita tungkol sa panganay na si Josh Aquino at sa Binay Family na itinuring na niyang sariling pamilya.
“Kuya Josh, Bimb and I are proud members of the BINAY FAMILY. Ate Nancy THANK YOU for loving kuya- he SUPER ENJOYED BEING WITH you EVERYDAY.
“To 1 of my best friends Anne, kuya’s 2nd mom, you are the most trust worthy, loving, super maaasahan “younger sister” I could ever have prayed for. Hindi man tayo magkadugo, pinili natin maging, kapatid, kapuso at kapamilya-kayakap sa bawat pag agos ng tadhana.
“I will air your hospital visit done this May 10 on Tuesday May 13, 2025. Happy Birthday. May 12, 2025, let’s celebrate. Kuya Josh said pagbalik nya from Tarlac sa kay tita Anne na sya titira.”
Ibig kayang sabihin nito, sa Makati City (kung nasaan ang bahay nina Anne) na mag-i-stay si Josh? Kung mangyayari nga, mas mabilis na niyang mabibisita ang mom niya at si Bimb.
Kaya lang si Kris naman yata ang maniniraha na sa Tarlac.
Nanghihingi rin ito ng suggestion kung saan siya puwedeng tumira. “Kailangan ko ng fresh air and a cooler climate. The sea breeze will be wonderful-may suggestion kayo?” tanong ni Kris.
May mga suggestion kay Kris na maganda ang Tagaytay, Baguio, La Union, Palawan, Benguet, Batanes, Quezon, at Batangas.
May nag-suggest pa ng Davao, at Samal Island at may nagbanggit ng Casa Esperanza, ang farm ni Zsa Zsa Padilla na nasa Lucban, Quezon.
Kaya lang, parang malayo ang Davao, Benguet, Palawan, at Batanes lalo na sa medical needs ni Kris.
Hopefully, makahanap siya ng perfect place to live habang nagpapagaling siya.
Barbie sanay kumandong kay Alden
Kahit may naging problema sa naganap na Lights, Camera, Run!, nagpasalamat pa rin si Alden Richards, ang CEO at president ng Myriad Entertainment Corporation, sa success ng nasabing charity fun run. Ang daming sumali sa nasabing fun run.
Nagka-problema sa medals ng winners na hindi dumating at hindi umabot sa fun run noong May 11.
Ang sabi, sa China pa ipinagawa ang medals na hindi dumating sa oras.
Anyway, may pinaplano uling fun run sa December si Alden at ang kanyang kumpanya, pero secret daw muna. Hopefully, hindi na mauulit ang nangyari sa LCR at ang suggestion ng fans, solohin na ng Myriad Entertainment Corporation ang paghahanda sa fun run, para hindi sila aasa sa partner.
Kay Alden at sa Myriad kasi nagalit ang runners at hindi sa partner nila, kaya dapat talaga pag-isipan para walang palpak sa susunod.
Dahil tapos na ang fun run, makakapag-focus na ang actor sa promo ng dance reality series na kanyang iho-host. Sa June na ang airing ng Stars on The Floor.
Samantala, isyu naman sa netizens ang pagkandong ni Barbie Forteza kay Alden sa nasabing fun run.
Hindi raw magandang tingnan. Kahit pinaliwanagan sila ng ibang netizens na parang magkuya ang relasyon ng dalawa dahil halos sabay sa showbiz, ayaw pa ring tanggapin ng mga nag-react.
Kahit marami ang nagsabing wala silang nakitang malisya sa ginawa ng dalawang Kapuso stars, hindi pa rin nagbago ang ibang netizens, hindi raw magandang tingnan. Saka, hindi raw ‘yun ang first time na kumandong si Barbie kay Alden, ngayon lang napansin ng mga malisyoso.
In fairness kay Barbie, nakayang takbuhin ang 16K and to think na ilang months pa lang siyang tumatakbo. Isa siya sa finisher at nakatanggap ng medal.
Nasa South Korea si Barbie ngayon, kasama si Kyline Alcantara para sa taping ng Beauty Empire, kaya tigil muna siya sa pagtakbo.
- Latest