Parents ng actress, napundi sa kakalaro ng jowa ng anak na nakitira sa bahay nila
NAPUNDI na umano ang parents ng isang junior aktres sa naging boyfriend na tumira sa attic ng townhouse ng junior actress.
Eh conservative ang family ng junior actress. Pero si boyfie, lumalabas ang umano’y pagiging spoiled brat nito!
Kapag kakain na, kadalasan eh naglalaro ito ng games habang nasa kainan. Kahit sensyasan na ni junior actress si boyfie, dedma lang.
Nang senyasan ng tatay ni junior actress ang anak na lumipat muna siya sa may sala, sumunod naman boyfie.
Padating sa sala, umupo’t seryoso na namang ipinagpatuloy ang paglalaro, huh!
Isa lang ‘yun sa dahilan ng hiwalayan kaya walang katotohanan ang tsismis sa ugali ng junior actress ayon sa aming source!
Paolo naloka sa death ‘treat’
KAALIW naman ang latest post sa Face Book ni Paolo Contis na may death threat daw! Mula ito sa isang Federigo Manuel Heruso.
Sa halip na matakot, itinama ni Paolo ang spelling ng salitang ginamit.
“Paolo Contis mamatay ka na (death treat para sa yow).”
Caption ni Paolo, “Sana tama ang spelling para ma THREAT ko!” with laughing emojis.
Sa anong dahilan para magkaroon ng death threat si Paolo?
Threat or treat, Salve A?
- Latest