^

PSN Showbiz

Dennis, iniingatan ang balat

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Dennis, iniingatan ang balat
CEO Rhea Anicoche-Tan at Dennie Trillio.
STAR/ File

Very proud ang Beautederm founder and CEO Rhea Anicoche-Tan nang ipakikilala ang newest “baby” niya, ang actor na si Dennis Trillo.

Pormal ngang inilunsad ang multi-awarded actor bilang endorser ng Zero Filter Sunscreen ng Belle Dolls, sister brand ng Beautederm, sa isang bonggang contract signing na ginanap sa Grand Ballroom ng Solaire North.

Naalala ni Miss Rei na una niyang nakilala si Dennis nung isama ito ng wife nitong si Jennylyn Mercado na Beautederm ambassador din sa kanyang intimate birthday party last November, last year.

Hanggang nagkita raw ulit sila nung nagpa-block screening siya sa Pampanga ng 2024 Metro Manila Film Festival (MMFF) entry na Green Bones, kung saan magkasama sina Dennis at another Beautederm ambassador Ruru Madrid na dumalo.

Na kahit aniya napakaliit na sinehan sa Pampanga, pinuntahan ni Dennis.

At ‘yun daw ang mas nagpalakas upang mag-decide siya na gawing endorser ang actor.

Pero pinag-usapan nila ng manager nitong si Becky Aguila (manager ni Dennis at ng misis niya), na this year na lang nila gawin ang official launching, na naganap na nga.

At para kay Ms. Rei perfect endorser ang mag-asawa dahil sa kabaitan ng mga ito. “Makikita mo sa kanila ang sincerity,” paniniguro ng negosyante.

Naniniwala rin siya na dahil nabibilad sa araw ang actor sa tuwing magmo-motor kasabay ng pagdidiin na hindi lang naman ang balat ng mga kababaihan ang dapat pangalagaan kundi maging ang kalalakihan tulad kay Dennis.

“Kailangan din nating pagamitin talaga ‘yung mga lalaki. Literal na nag-survey ako, ‘yung mga lalaki, kung ano ‘yung sabon sa mukha, ‘yun na rin ang sabon sa katawan hanggang sa ibaba,” banggit ni Miss Rei.

“Gusto kong i-push ang mga lalaki na gumamit, gaya ni Dennis, ang daming series, ang daming pelikula. Nakakalimutan natin na ang the best anti-aging secret ay sunscreen,” sabi pa niya.

Naniniwala rin si Dennis na dapat laging young looking ‘pag nasa showbiz. At higit sa lahat aniya, kailangang may tiwala siya sa produkto na kanyang ini-endorse at ang epekto nito sa kanyang skin.

Kita naman na mas ‘blooming’ siya.

At ang isa umanong nagustuhan niya  sa Zero Filter Sunscreen ay napaka-light i-apply sa mukha. Hindi raw tulad ng iba, hindi rin mahapdi sa mata kahit pagpawisan pa siya.  “Pagkalagay after a few minutes parang feeling ko walang nakalagay sa mukha,” sey pa ng aktor.

Anyway, kasabay ng midterm elections ngayong araw ang kanyang 44th birthday.

Wala raw malaking plano bukod sa pagkain sa labas ng buong pamilya sabi ng actor.

Na aniya ay double celebration na rin para sa Mother’s Day. At ang mensahe niya sa misis para sa Mother’s Day : “Wala akong ibang sasabihin kundi nagpapasalamat ako sa kanya sa kinontribute niya dito sa pamilya namin para mabuo nang ganito, para magsama nang harmoniously na ganito, napakalaki nu’ng role na ginampanan niya para mangyari lahat ito. Kaya happy Mother’s Day sa ‘yo, mahal. Utang namin lahat ito sa ‘yo.”

Bukod pa ito sa kanyang post kahapon na “Para sa aming Super Woman, isang pag pupugay sa’yo at sa lahat ng mga dakilang ina na kagaya mo. Maraming Salamat sa lahat ng pag mamahal, pag aaruga at tiyaga. We love you”

DENNIS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with