Michael, emosyonal sa bagong bahay!

Nakapagpundar na ng isang bagong bahay si Michael Sager na matatagpuan sa Las Piñas. Ayon sa Kapuso actor ay natapos ang pagpapaayos ng sariling property habang nasa loob pa siya ng Pinoy Big Brother house. “Habang nasa loob ako ng bahay ni Kuya, pinoproseso po ito. No’ng paglabas ko, nabalitaan ko na lang na okay na siya,” nakangiting pahayag ni Michael sa YouTube channel ni Karen Davila.
Isang condominium unit dapat ang bibilhin ng binata noon pero hindi na ito natuloy. Magkahalong emosyon ang nararamdaman ni Michael ngayon dahil sa bagong bahay. “Kinakabahan kasi it is one of my major purchases in life. Pero ako naman ay excited and masasabi ko na proud na rin po. When I was looking for a place to stay, it was supposed to be a condo initially. Pero sabi ng parents ko baka hindi rin sila kasya. And sabi ko as an investment it is okay to have a lot and no’ng naghanap po kami, nakatayo na po ito. Sakto, it’s the design na gusto ko,” pagbabahagi ng aktor.
Hindi pa siya tuluyang nakalilipat sa bagong bahay na mayroong limang kwarto. Excited na umanong mag-decorate ang aktor sa lilipatang bahay. “Excited na po ako magkapag-shopping and i-decorate ‘yung place. No’ng nag-aral po ako ng drafting sa architecture ‘yung design, ginawa ko po sa bahay. Mahilig din po ako sa neutrals. All the colors of this house, it really complements and it really represents me rin kaya masaya ako, basta dream house ko,” paglalahad ng binata.
Meryll, nahihirapang mag-exercise dahil sa anak
Mula pagkabata ay mahilig na si Meryll Soriano sa iba’t ibang physical activities. Noong nag-aaral pa ay naging miyembro ng volleyball varsity team ng kanyang eskwelahan ang aktres “Ang nami-miss ko badminton kasi nagko-compete ako for badminton. But I still swim, I still do my functional training. ‘Yung volleyball, siguro ‘pag nanumbalik ‘yung katawan siguro pwede. Opposite spiker ako for seven years. Pero I’m looking forward just to be back sa court,” bungad ni Meryll.
Apatnapu’t dalawang taong gulang na ngayon ang aktres.
Kapag walang trabaho ay sinisikap ni Meryll na makapag-workout. “Kasi takot ako kasi siyempre mabigat ako ngayon sa age ko and then may toddler ako. So, I need to be healthy. Nagwo-workout naman ako pero parang I just wanted to do it for myself,” giit niya.
Nahihirapan umano si Meryll na makapag-exercise dahil sa maliit pa nilang anak ni Joem Bascon. “I’m looking forward to continuing it for myself. Siyempre una, kasama ko muna ‘yung toddler ko. Pero lagi ko sinasabi sa kanya, kasi ayaw niya eh. Sobrang linta ‘yon sa akin eh. Sabi ko sa kanya, ‘Mama needs it for herself.’ I want to do it talaga,” pagtatapos ng aktres. (Reports from JCC)
- Latest