Trabaho ni Mystica, pinagkaabalahan sasocial media ng walang magawa

‘Kaloka naman na kinuyog daw si Mystica dahil ayaw itong paniwalaan ng mga basher na nagtratrabaho ito bilang general manager (GM) sa isang burger joint sa Amerika.
Sino nga si Mystica?
Ang sabi, buong pagmamalaki raw nitong sinasabi na GM ang posisyon niya roon.
Nang kuwestiyunin siya ng mga basher tungkol sa uniform niya at pati ang pagkakaroon niya umano ng break time ay hinamon niya ang mga ito.
Binigay niya sa mga ito ang phone number at address ng branch. Tawagan daw ng mga ito at itanong kung GM ba talaga siya bago raw siya ilipat sa ibang lokasyon na mas malapit sa kanya.
Pinaliwanag pa raw nito na ang lahat daw ng empleyado ay dapat naka-uniform ng tulad sa suot niya dahil pinagbawalan siya na gumamit ng executive suit at pinatanggal din ang vest niya.
Rule is rule raw at huwag maging ignorante.
Pero hindi naniniwala ang mga basher at sinabing crew lamang daw siya roon at hindi naman talaga GM.
Malabo raw ang sinasabi nito na iha-hire agad siya bilang GM.
Upang patunayan nga kung nagsasabi raw ito ng totoo ay may mga pumunta at nagtanong daw talaga sa mga staff doon.
Sinabi nga raw na crew member lang talaga si Mystica roon.
Wala namang masama kung crew lamang siya roon at hindi GM.
‘Kaloka, talagang pakialam ba nila kung ‘yun ang gustong i-press release ni Mystica na pinasikat pa nila.
Kanya-kanyang trip ‘yan sa buhay. Hayaan natin siya.
Mind your own business, guys.
May mapapala ba kayo kung hindi GM ang dating singer sa pinagtatrabahunan niyang food chain?
- Latest