^

PSN Showbiz

Dingdong ‘di makumbinsing mag-pulitika, nagbigay ng basbas kay Bam

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Dingdong ‘di makumbinsing mag-pulitika, nagbigay ng basbas kay Bam
Dingdong Dantes at Bam Aquino

Ilang tulog na lang at election na, May 12.

Tulad sa laging paalala, isiping mabuti ang iboboto.

‘Wag padala sa mga propaganda ng mga kandidato. Isiping maigi ang karapat-dapat.

Na parang paulit-ulit na lang.

Tulad ni Dingdong Dantes na ipinahayag ang kanyang suporta sa senatorial bid ni dating senador at independent candidate na si Bam Aquino.

Sa isang post ng Kapuso Primetime King, sinabi nito na nakausap niya kamakailan si Bam habang umiinom ng tsokolate at kape matapos sunduin ang kanyang mga anak sa paaralan.

“Bam and I go way back — I’ve known him since grade school, when we still called him “Bam-bam.” Since 2014, we’ve stood side by side advocating for youth-centered policies and even hosted a few shows together over the years — #DongBam! AsenShow, Haha!

“But beyond all that, what I’ve always respected and admired about Bam is his integrity, consis­tency, clear vision, and a track record that speaks for itself — all anchored by a genuine heart for service,” sabi pa ng actor sa kanyang post na noon pa inaayang sumubok sa pulitika pero hindi pa napipilit.

Anyway, ngayong pareho na raw silang ama, natural aniya na ang kanilang pag-uusap ay tungkol na sa pamilya — sa kanilang mga anak, at sa hinaharap na inaasahan na makakatulong sa paghubog para sa kanila.

“It’s always reassuring to catch up with friends who stay true to their purpose and continue to find ways to turn hope into action.

“Some of the best moments are simple: a warm merienda, a few shared laughs, and a quiet reminder of why we keep doing what we do,” sabi pa ng mister ni Marian Rivera.

Paalala niya : “With the final stretch of his campaign coming up, I wanted to personally wish him well and hear how he’s doing,” dagdag pa ng aktor na may natapos na pelikula na, katambal si Ms. Charo Santos.

Tanong lang ng followers ni Dingdong, kailan daw kasi mahihikayat si Dingdong na pasukin na rin ang pulitika.

DINGDONG DANTES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with