^

PSN Showbiz

Aktor ‘di nagpalibre, malaki ang kinita sa isang pulitiko!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon

Ang laki pala ng talent fee ng  actor na nag-e-endorse ng isang kandidato.

As in kung ilang milyon daw ‘yun.

Ang impression kasi ng iba ay libre si actor.

Well, trabaho naman ‘yun at deserved ng actor na tumanggap ng talent fee.

Jodi, sinigaw-sigawan!

Deserved talaga ni Jodi Sta. Maria ang pagi­ging Asia’s Best Actress.

At lagi niya itong pinatutunayan.

Like dito sa pelikulang kasalukuyang napapanood sa mga sinehan, Untold, ng Regal Entertainment.

Effective ang kanyang pananakot sa pagbabalik sa horror genre.

At ramdam na ramdam ito ng mga nanood sa ginanap na celebrity world premiere ng nasabing pelikula noong Martes ng gabi sa SM Megamall na dinaluhan ng Kapamilya bigwigs na sina Charo Santos-Concio, Cory Vidanes, Direk Lauren Dyogi at marami pang iba.

Punung-puno nga ng tilian at palakpakan ang Cinema 3 dahil hitik sa jumpscare scenes ni Jodi ng karakter niyang si Vivian Vera, isang ambisyosang TV reporter na hayok sa scoop para sumikat.

Masigasig ni Vivian na magkaroon ng viral stories na bukod sa gustong sumikat ay nais ipagamot ang inang may karamdaman na ginagampanan ni Gloria Diaz.

Pero ‘yun ang magiging daan para maapektuhan ang pag-iisip niya kasabay ng pagkakapahamak ng kanyang mga mahal sa buhay.

Kabilang dito ang came­raman-partner niyang gina­gampanan naman ni Joem Bascon na hindi nakayanan ang pressure ng ginagawa ni Vivian alang-alang sa pagsikat.

Fresh ang atake at pagkakalatag ni Direk Derick Cabrido sa kuwento ng Untold.

Kakapitan mo ang kwento dahil sa mga pangyayari na hindi boring panoorin.

 Malaking tulong din ang paggamit ng pelikula ng mga makabagong termino para mas maka-relate ang audience sa mensaheng gusto nitong iparating sa usapin ng mental health.

Mula sa ideya ng Regal producer na si Roselle Monteverde, showing na sa mga sinehan ang Untold na binigyan ng R-13 without cuts rating ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).

Kasama rin sa pelikula sina JK Labajo, Mylene Dizon, Lianne Valentin, Kaori Oinuma, atbp.

Bukod sa ‘Pinas, napapanood din ang Untold sa Hong Kong, Singapore, US, Canada, Guam at Saipan simula ngayong araw, May 2.

Ang mga estudyante naman ay may special discounted rate na P250 sa piling SM cinemas.

 

ACTOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with