^

PSN Showbiz

David Chua, naluha sa concert; Nangulila sa ina

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
David Chua, naluha sa concert; Nangulila sa ina
David Chua
STAR/File

Nakunan ng video ng ilang netizens ang actor-direktor na si David Chua na lumuluha habang nanonood ng concert sa Tondo, Manila kamakailan.

Kasama niya roon ang ilang artista at perfor­mers tulad nina Meg Imperial, Smokey Mana­loto, Jopay & Joshua, Autotelic Band, at ang Bandang Lapis.

Sa video, na mabilis nag-viral, makikita si David sa gilid ng stage mag-isa, habang umiiyak nang todo at sinasabayan ang Bandang Lapis sa pagkanta ng kanilang awiting Kabilang Buhay, na tungkol sa pagpanaw at pangungulila sa mga mahal sa buhay.

Nang lapitan si David ng ilang fans pagkatapos nung event, tila nadyahe siya dahil sa kanyang ‘emo moment.’

“Nakakahiya naman,” pag-amin niya. “‘Yung lyrics kasi, naalala ko lang kasi ‘yung mom ko na sumakabilang-buhay noong 2020, nung kasagsagan ng pandemic.

“Mas ramdam ko lang kasi ‘yung song dahil malapit nang mag-Mother’s Day, and naalala ko lang kung paano kami usually nagse-celebrate.

“Kasi nga, since lumaki ako na walang tatay, ‘yung mom ko lang talaga ‘yung ‘constant’ sa buhay ko, lalo na nung nagsisimula pa lang akong mag-artista. Siya lang talaga ‘yung nagsu-support sa’kin noon,” sabi niya sa ilang kausap na nakasaksi sa kanyang pag-iyak.

Hindi lingid sa kaalaman ng fans ni David na pumanaw na rin kamakailan ang kanyang ama na halos dalawang beses lang niyang nakita mula noong iniwan nito silang mag-ina.

Posible kayang nakadagdag ito sa dalamhati ng chinito actor?

“Medyo, pero iba kasi ‘yun, e. Iba kasi ‘yung tama nu’n sa ‘kin. Ang sa ‘kin lang, masaya lang ako na nagkaroon na kami ng closure, at pinatawad ko na rin siya. And alam niyo, gumaan talaga ‘yung feeling ko mula noon. Nawala na ‘yung hinanakit na matagal kong dinadala.”

Paano niya ipagdiriwang ang Mother’s Day, ngayong ulila na nga siya sa magulang? “Plano kong bisitahin ‘yung mom ko sa libingan, tapos after that, meron kaming maliit na salu-salo sa Tondo. Dasal ko lang, sana andyan pa rin ‘yung nanay ko na patuloy na gumagabay sa ‘kin, at sana proud pa rin siya sa mga kabutihang ginagawa ko para sa mga kababayan namin sa Tondo, sa pamamagitan ng aming advocacy na Damayan sa Distrito Dos,” pagbabahagi niya.

DAVID CHUA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with