^

PSN Showbiz

BINI Sheena, bibida ang buhay sa MMK

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
BINI Sheena, bibida ang buhay sa MMK
Sheena Catacutan
STAR/File

Angelica Panganiban balik-akting

Bibida si BINI Sheena Catacutan tampok ang kwento ng kanyang buhay bago maging miyembro ng Nation’s Girl group na BINI sa ikalawang episode ng MMK ngayong Huwebes (May 1) sa iWantTFC, tampok ang “unfiltered” version na available worldwide, at Sabado (May 3) sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, at A2Z.

Magbabalik din sa aktingan si Angelica Panganiban na gaganap bilang ina ni BINI Sheena matapos mamahinga sa showbiz. Huling bumida si Angelica sa Walang Hanggang Paalam noong 2020 at naging bahagi ng iWant original film na Love Lockdown kasama si That Thing Called Tadhana co-star JM de Guzman.

Personal na gagampanan ni BINI Sheena ang kanyang buhay tampok ang kanyang mga pinagdaanan mula pagkabata hanggang sa namamayagpag na karera ngayon bilang isang miyembro ng BINI.

Nagsimula ang karera ni BINI Sheena sa showbiz matapos maging housemate sa Pinoy Big Brother: Otso noong 2018. Maaga mang na-evict sa Bahay ni Kuya, itinuloy niya ang kanyang pangarap sa pag-aartista matapos sumali sa Star Hunt Academy noong 2019.

Sa gitna ng kanyang matinding training bilang miyembro ng BINI at pag-abot ng pangarap, pumanaw ang kanyang ina na nakaapekto at sumubok sa kanya.

Opisyal na naging bahagi ng Nation’s Girl group si BINI Sheena noong 2020 at unang nailunsad ang official single ng grupo na Born to Win noong 2021.

Samantala, makakasama naman nina BINI Sheena at Angelica sina Aljon Mendoza, Janell Gonzaga, Tart Carlos, Malou de Guzman, at Bembol Roco sa direksyon ni Froy Allan Leonardo at panulat ni Joan Habana.

Eksklusibong mapapanood sa iWantTFC ang “unfiltered” at buong bersyon ng bawat episodes tampok ang director’s cut at mga eksenang mas malalim na tatalakay sa mga kwentong bibida bawat linggo.

SHEENA CATACUTAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with