^

PSN Showbiz

Mark Herras, may bagong raket sa ‘Probinsyano’

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Mark Herras, may bagong raket sa ‘Probinsyano’
Mark Herras
STAR/File

Matapos ang matinding kontrobersiya, sumabak sa kampanya si Mark Herras.

Kabilang siya sa mga kilalang personalidad na galing din sa mga lalawigan, tulad nina Jason Abalos, JC de Vera, at Mark na nagboluntaryo upang suportahan ang kampanya ng Ang Probinsyano Party-List (APPL). Sa kani-kanilang pagbisita sa Negros Oriental, Albay, Zambales, at Siquijor, ipinakita ng tatlong aktor ang kanilang paninindigan sa mga adbokasiyang isinusulong ng APPL at ni Cong. Alfred “Apid” delos Santos.

Sa Negros Oriental, pinangunahan ni Jason ang mga aktibidad ng kampanya sa mga bayan ng Basay, Bayawan, at Zamboanguita. Sa kanyang mensahe sa mga residente, sinabi ni Jason, “Simula pa noong 2022, nakita ko na ang pagkakaiba nila. Ang APPL ay may kongkretong aksyon, may tunay na malasakit, at may tunay na epekto sa buhay ng mga tao sa probinsya.”

Samantala, nakisaya naman si JC sa mga campaign kick-off sa Albay at Zambales. Sa Albay, bukod sa pag-awit na nagpasaya sa mga Bicolano, inilahad ni JC ang kanyang paniniwala na ‘Kaya naman, ngayon, we help Ang Probinsyano because we believe in the organization’s advocacies. Hindi sila puro salita, makikita natin ‘yung malasakit sa track record ng Ang Probinsyano.”

Pagkatapos ng Albay, dumiretso sina JC at si Cong. Apid sa San Antonio, Zambales na bagama’t pagod, buong puso pa rin nilang inilahad ang mga plano ng grupo para sa mga probinsya.

Sa Siquijor naman, nagpasaya si Mark Herras sa pamamagitan ng kanyang performance sa kick-off rally nina Governor Jake Villa at Representative Zaldy Villa.

Bukod sa kasiyahan, ibinahagi rin ni Mark ang kanyang mensahe: “Iba talaga ang APPL, solid ang track record sa pagpapatupad ng mga programang may tunay na malasakit,” na kasaluku­yang may kinakaharap na kontrobersiya.

Anyway, ilang araw na lang at eleksyon na, mas pinaigting pa ng Ang Probinsyano Party-List ang kampanya nito, katuwang ang mga personalidad at personalidad na lumaki sa probinsya.

MARK HERRAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with