^

PSN Showbiz

Bela at Swiss-Italian bf, gustong magpaka-low-key!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Bela at Swiss-Italian bf, gustong magpaka-low-key!
Bela Padilla at Norman Bay
STAR/File

Mabilis ang sagot ni Bela Padilla sa mga nagtatanong na fans kung hiwalay na raw ba ito sa boyfriend niyang Swiss-Italian na si Norman Bay.

Tingin daw ng mga follower niya ay parang self-healing at independence ang vibe ng TikTok niya.

Hindi lang daw mawari ng mga ito kung ok pa ba ang magkarelasyon gayung tuloy naman sa pagkomento si Norman sa posts ni Bela.

Pero napansin ng mga ito na wala na ring anniversary post si Bela kaya napaisip ang mga ito na baka healthy breakup naman daw ang dalawa.

Sa latest post ni Bela ay binati niya si Norman sa birthday nito kaya naman kinilig ang fans niya na ok pa raw ang dalawa.

“Very grateful we crossed paths in this lifetime (sparkles emoji) may this double digit year be the most fun so far and bring you to many new places, and may no one ever figure out your actual last name cause it’s still funny to me that people call you Norman Bay (laughing emoji)”, mensahe niya kay Norman.

Sinagot naman ito ni Norman ng “And so am I. To many more adventures (hugging face emoji)”

Kaya naman napanatag na raw ang fans nila lalo na at sunud-sunod ang breakup ngayon ng mga celebrity.

Mukhang mas gusto lang daw ng dalawa na gawing low-key lang ang relasyon nila.

‘Kaloka.

Pangulong Marcos at Bong, laging handang tumulong

Basta nagpunta ako sa hospital lagi kong naaalala sina President Bongbong Marcos at Bong Revilla. Silang dalawa ang unang nag-ayuda sa akin.

Si Bong dahil alaga ko kaya nakasunod agad sa hospital. Dahil kay Usec. Honey Rose nakarating agad kay Presidente Bongbong Marcos ang balita na nasa hospital ako.

I feel so loved, so honored sa tulong nina PBBM at Bong dahil na feel ko agad na merong tutulong sa akin anumang oras na kailangan.

Sobrang gratitude talaga kay Usec. Honey Rose na laging may oras para tulungan ako. Forever grateful talaga.

At this point talagang nakita at nadama ko na mahal ako ng friends ko. Na hindi ako nag-iisa. Na agad may tutulong sa akin. Ang suwerte ko, salamat sa mga nagmamahal.

Hanggang ngayon nga sinasabi ko sa mga kinukumusta ako na habang nagsusulat pa ako ng kolum, OK ako. ‘Pag siguro ‘di ko na kaya mentally makagawa ng kolum, iyon na ang problema. Sa ngayon sa kolum ako nagve-vent ng emosyon ko. What I feel, sa kolum ko binubuhos.

Kaya nga talagang iniiwasan kong magsulat ‘pag galit ako o may sama ng loob. Kawawa naman ‘yung aawayin ko dahil may pagka-gaga ako ‘pag galit.

Basta happy ako sa small circle of friends ko. Love ko ang grupo ko. Comfortable ako where I am now, and who is with me when I go out to lunch.

Life is good. God is good. Bongga.

BELA PADILLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with