Mahusay na aktres, mabilis nakakuha ng pamalit sa actor
Nakarating na sa magaling na aktor na meron nang bagong karelasyon ang kanyang dating girlfriend na isa ring magaling na aktres.
Naging kontrobersyal ang kanilang relasyon noon at lagi silang sinusubaybayan dahil nakialam na rin ang netizens.
Hanggang natapos ang kanilang relasyon, pero tahimik lang ang dalawa.
Sinisikap nilang maayos pa at masalba ang kanilang relasyon. Pero bumigay na si dating girlfriend.
Sa pagkakaalam namin ay na-block na niya si magaling na aktor at hindi na ito nagparamdam.
Unti-unti na rin itong natanggap ni aktor. Pero feeling namin na-hurt siya nang makarating sa kanya, na meron nang ipinalit sa kanya ang nakarelasyong aktres.
Kaya kailangan na rin niyang mag-move on.
Untold, binigyan ng discount ang mga estudyante!
Maganda ang feedback sa pelikulang Untold na nag-showing na sa mga sinehan kahapon.
Napanood namin ang naturang pelikula sa premiere night nito noong Martes na ginanap sa Cinema 3 ng SM Megamall.
Suportado ng mga taga-ABS CBN at fans si Jodi Sta. Maria na magaling sa pelikulang ito.
Pero sa totoo lang, hindi lang si Jodi kundi ang buong cast na talagang bagay sa role na ipinagkatiwala sa kanila tulad nina JK Labajo, Gloria Diaz, Mylene Dizon, Lianne Valentin, Joem Bascon, Kaori Oinuma, Sarah Edwards, at Francis Mata.
Ayoko sana talagang manood ng horror film, lalo na’t psychological pa ito, kaya lumalabas-labas ako ng sinehan, at baka naiisip ko pa ito sa pagtulog ko.
Maganda ang script at mukhang inspired ang direktor nito na si Derrick Cabrido. Gusto raw niyang makarating ang mensahe ng pelikulang ito lalo na sa mga kabataan.
Ani direk Derrick Cabrido, “Una sa lahat… kumbaga, let’s be careful kung ano ‘yung paniniwalaan natin sa balita. Let’s double check, and then at the same time don’t forget na maganda ‘yung isang pangarap natin kung maganda ang kahinatnan nito sa buhay natin.”
Sabi naman ni Jodi bago sinimulan ang screening ng pelikula, “People rarely do crazy things simply for the sake of being crazy. Minsan po they convinced themselves that what you are doing is noble, is necessary, and sometimes, the most dangerous thing is that it hides behind the guise of good intentions.
“And I do hope tonight, you leave this theater not only entertained but also in the perfection of this message.”
Sabi niya pagkatapos namin mapanood ang pelikula, “We’re very thankful po siyempre sa buong cast… it’s really important po talaga that everyone would work together, para mag-work ‘yung film.
“Very timely po, and we’re just really praying na mag-speak dun sa mga tao na nakanood nung pelikula.”
Dahil sa gusto nilang mapanood ito ng karamihan sa mga kabataan, napagdesisyunan ng Regal Entertainment na babaan ang presyo ng ticket para sa mga estudyante.
“We’re giving students the chance to really watch this.
“Nasa 250 pesos for students. Kasi there so many things they can learn from this, dahil responsibility in reporting. So, it’s really important for the youth to know that,” saad ni Roselle Monteverde ng Regal Entertainment.
In-announce na raw ito ng SM Cinemas at Ayala Cinemas, at hopefully, sumunod na rin ang Robinson’s.
Nahirapan nga raw silang i-defend ito sa mga theater owner.
“We need to defend kung why and bakit kailangan sa horror movie. Kasi, we really want to reach the youth,” sabi pa ni Roselle Monteverde.
Suportado pa ito ng Film Development Council of the Philippines na kung saan binigyan nila ito ng 3M grant sa ilalim ng programa nilang CreateFilms.
Jeric, ayaw nang pag-usapan si Rabiya!
Bahagi na rin ng pag-move on ni Jeric Gonzales sa napabalitang breakup nila ni Rabiya Mateo, iniiwasan na lang niyang pag-usapan ito.
Hindi na rin naman daw nagsasalita si Rabiya, kaya ayaw naman niyang pangunahan ito. “Siguro sa ngayon po, hindi ako makapag-comment diyan kasi, of course… hindi pa naman siya nagsasalita. So, respeto na lang po siguro. Huwag na lang po muna nating pag-usapan,” pakli ng Kapuso actor nang makatsikahan namin sa nakaraang celebrity premiere ng pelikulang Fatherland.
Desisyon daw niya ito at hindi naman daw nila ito napag-usapan ni Rabiya na walang may magsasalita tungkol sa isyung breakup nilang dalawa.
“Hindi naman. Pero kasi po, mas maganda siguro kung sa kanya manggagaling ‘di ba? Kung siya magsasalita, kasi bilang lalaki po, respeto sa babae,” sambit nito.
Okay naman daw siyang single sa ngayon at mas mabuting sa trabaho na lang siya mag-focus. “In love po sa mga ginagawa ko. Kasi, ngayon po muna ‘yung focus ko sa sarili muna.
“Eto nagpapayat muna ako, in-improve ko ‘yung sarili ko. Pa-blooming ba, ganun!” napapangiti niyang pahayag.
Kararating lang ni Jeric mula sa ilang araw na bakasyon sa Dubai, kasama ang mga kaibigan.
Kailangan lang daw niyang mag-recharge pagkatapos niyang mag-shoot ng pelikula niyang Graduation Day na dinirek ni Dante Balboa under Bentria Productions.
May susunod din siyang gagawin sa GMA 7, pero hindi pa raw niya puwedeng i-share. “Ako, personally, every scene talagang naramdaman ko. I can’t wait to watch it soon,” sabi pa ni Jeric tungkol sa kanyang natapos na pelikula.
- Latest