NR sa ‘crush’ na nagpa-interview Kathryn, nakaka-relax kahit hectic ang sked

NR or no reaction si Kathryn Bernardo o kahit fans niya sa naging interview ng diumano’y first crush ng actress na si Kenneth Hizon kamakailan.
Cutesy naman si Kenneth pero nawala ang misteryo ng character dahil nga sa kanyang pagpapa-TV interview.
Walang validation kung siya nga ‘yung nire-refer ni Kathryn na crush niya nung nasa elementary school pa siya o hindi.
Obviously, ayaw na ring ma-play up pa ‘yun ni Kathryn sa social media.
Anyway, sunud-sunod ang endorsement ng actress.
Recently ay muling pinagtibay ng TCL Electronics ang kanilang partnership sa tinuturing na Asia’s Superstar at Box Office Queen, bilang kanilang pangunahing endorser at brand ambassador kasabay ng pagdiriwang ng ika-25 anibersaryo sa Pilipinas ng nasabing brand.
Ang contract signing na ginanap kamakailan ay dinaluhan ng mga opisyal ng TCL kabilang sina Deputy Marketing Director Shae Xiaoling Yu at Brand Manager Joseph Cernitchez. Kinatawan naman si Kathryn ng kanyang mga co-manager na sina Lulu Romero at Kali Vidanes, Account Manager ng VCM The Celebrity Source—ang ahensyang naging susi sa matagumpay na kolaborasyong ito.
Nagpahayag naman si Kathryn ng taos-pusong pasasalamat at inilahad kung paano naging bahagi ng kanyang personal na buhay—at ng maraming Pilipino—ang mga produkto ng TCL.
“I especially love my TCL QLED Pro TV. It helps me relax, bond with family, and enjoy my downtime despite my hectic schedule,” chika ng actress.
Ipinunto ni Kathryn ang makabago at praktikal na disenyo ng mga produkto ng TCL na sumasalamin sa pang-araw-araw na pangangailangan ng modernong Pilipino.
Sa ikatlong taon ng kanilang pakikipagtulungan, itinuturing na ngayon ang tambalang TCL at Kathryn bilang isa sa mga pinakamatagumpay at makapangyarihang celebrity-brand collaborations sa bansa. Muli naman siyang itatampok sa mga bagong kampanya ng nasabing kumpanya para sa kanilang pangunahing produkto gaya ng TVs, Washing Machines, Air Conditioners, at Refrigerators.
Kaya naman hindi na talaga niya pinahaba pa ang issue sa dating crush na instant celeb tho sandali lang, hindi na ngayon pinag-uusapan actually.
- Latest