Jodi, tututukan muna ang pag-aaral

Magtatatlong dekada nang aktibo sa show business si Jodi Sta. Maria. Mayroong mga pagkakataong sumasagi na raw sa isipan ng aktres na magpahinga mula sa industriyang kanyang ginagalawan. “For the past 27 years, naniniwala ako na hindi naman ako tumigil eh. From the time na ni-launch ako from the ‘90s hanggang last year, dire-diretso ‘yung trabaho, Tito Boy. Ang naisip ko is may mga bagay akong gustong gawin din sa life ko. I’m not saying na hindi ako pinapasaya ng passion ko for acting. But sometimes, may mga bagay ka na alam mo sa sarili mo na meron ka pang ibang gustong gawin, at meron ka pang pwedeng gawin. So now, nakapagbangko ako ng mga pelikula. ‘yung iba ipapalabas this year, then ‘yung iba next year.
“But for serye, I’m just waiting for project that is so compelling, na gagawin ko talaga siya. But for now hanggang hindi, magpo-focus muna ako sa aking pag-aaral,” pagbabahagi sa amin ni Jodi sa Fast Talk with Boy Abunda.
Simula ngayong araw ay mapapanood na sa mga sinehan ang pelikulang Untold na pinagbibidahan ng aktres. Para kay Jodi ay hindi lamang basta horror ang tema ng bagong proyekto. “Tungkol sa isang journalist na gagawin niya lahat ng posibleng bagay na maaari niyang gawin para maabot niya ‘yung ambisyon niya. Sa kurso ng mga bagay na ‘yon, binabalikan siya ng mga tao, ng mga sitwasyon na sinubukan niyang ibaon sa limot, at mag-pretend na, ‘No, tama ang ginawa ko.’ For me the way I interpreted the script, it’s a psychological thriller, it’s a psychological horror. I think kapag pinanood n’yo, kahit kayo mapapatanong. ‘Is this your classic horror film? Or is this something else?’ Maraming takbuhan, sigawan, at the same time nando’n ‘yung katatakutan. ‘Yung kakaibang fear na nanggagaling sa kaibuturan ng iyong puso,” pagdedetalye niya.
Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakagawa ng proyekto si Jodi sa bakuran ng Regal Entertainment. Bata pa lamang ay pinangarap na ng aktres na makagawa ng pelikula sa kumpanyang naiwan ni Mother Lily Monteverde.
“Yes, and I’ve been praying from the moment that I started in show business 27 years ago na sana one day kuhanin nila ako. Let’s say for an episode of Shake, Rattle & Roll because I grew up watching ‘yung mga Regal Shocker. Familiar ako sa mga horror films na pino-produce ng Regal. Nakakatuwa lang, Tito Boy, na minsan may mga bagay tayong pinagdarasal na hindi agad dumarating. Pero sa tamang panahon ibibigay sa iyo,” paglalahad ng Kapamilya actress.
Samantala, nagbigay ng opinyon si Jodi tungkol sa pagseselos sa isang relasyon. Aktibo na rin ang aktres ngayon sa paggawa ng video blogs kung saan nagbibigay ng payo si Jodi sa kanyang subscribers. “Depende ‘yan eh kung paano natin binibigyan ng kahulugan ‘yung mga emosyon na nararamdaman natin. For example ‘yung feeling of jealousy, ang iisipin natin selos, masama ‘yan, negative emotion ‘yan. So hindi mo dapat nararamdaman ‘yan kasi nakaka-toxic ‘yan.
“But according to this book na binabasa ko, The Language of Emotions, there is no such things as a negative or a positive emotion. Lahat nang emosyon na nararamdaman natin beneficial. There’s a reason why we feel them. Even fear, anger, anxiety and even jealousy. Because if you are getting jealous about something, it means that a boundary needs to be set in place. Naniniwala ako na our emotion can work to our benefit. Only if we’d allow them to,” makahulugang paliwanag ng premyadong aktres. — Reports from JCC
- Latest