Kyline, cry to death sa mga hanash ni Jackie?!

Awwss, cry to death diumano si Kyline Alcantara nung nakita nito sa social media ang post ni Jackie Forster na pagtatanggol sa ex niyang si Kobe Paras.
Nasa taping daw ito ng All-Out Sunday nung kumalat sa social media ang nasabing video statement ng ina ni Kobe nang biglang mag-iiyak si Kyline.
Anyway, pinayuhan naman ang Kapuso star na ipahinga muna ang lovelife at asikasuhin ang career.
At higit sa lahat humanap ng jowang walang nanay.
Funny, pero messy raw ang mga napapasukang relasyon nila Kyline.
Nauna na rito na hindi rin maganda ang impression sa kanya matapos ang hiwalayan nila ni Mavy Legaspi kung saan hindi man tulad ng mga litanya ni Jackie, pero na-involve rin noon si Carmina Villaroel bilang pagtatanggol sa anak.
- Latest