^

PSN Showbiz

‘Marami pa akong pasabog!’ Emilio

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
‘Marami pa akong pasabog!’ Emilio
Emilio Daez

Sina Emilio Daez at Michael Sager ang pangatlong evictees mula sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition noong Sabado. Para kay Emilio ay hindi pa tapos ang laban dahil nasa labas ng bahay ni Kuya ang tunay na hamon ng buhay. “I’m in good spirits. Hindi pa tapos ang laban natin kasi dito talaga sa labas ng bahay ni Kuya ang totoong laban,” bungad ni Emilio sa ABS-CBN News.

Ayon sa Kapamilya actor ay marami siyang natutunan sa pananatili ng ilang linggo sa loob ng bahay ni Kuya. “I think ang pinakaimportanteng aral na nakuha ko dito sa bahay ni Kuya ay maging mabuting tao. Just be good and it will all come back to you, one way or another,” giit ng binata.

Nakiusap si Emilio sa kanyang mga tagahanga na patuloy pa rin siyang suportahan sa mga proyektong gagawin. “Stay tuned kasi marami pa akong pasabog para sa inyo. I promise to keep working super hard para mas marami pa kayong makita sa akin. Maraming salamat sa suporta guys and always, super excited to see you, nagkatotoo nga. This is not the end, this is just the start,” nakangiting pagtatapos ng Kapamilya actor.

Jimmy nasa pilipinas na, proud sa pangangalakal sa Canada

Kasalukuyang nasa Pilipinas si Jimmy Santos. Matatandaang umalis sa bansa ang komedyante upang manirahan sa  Canada noong 2021. “Nandito na po ako sa Pinas. Marami ho ang nagtatanong, akala nandoon na ako sa Canada. Hindi po, pinasyalan ko lang ho ‘yung apo ko para sa kanyang first communion (sa Canada),” paglalahad ni Jimmy sa kanyang YouTube channel na Jimmy Saints.

Mag-isang naninirahan ngayon ang aktor sa kanilang tahanan sa Pampanga. Nasanay na raw si Jimmy sa lahat ng gawaing bahay dahil walang kasama sa bahay. “Itong bahay na ito eh, ako lang po ang namamahala. Kasi ‘yung anak ko nasa Canada, kasama ng pamilya kaya ako ang nagmi-maintain nitong bahay. Nag-iisa lang ako dito siyempre ‘pag wala si misis, ako na rin ang gagawa ng mga bagay-bagay para kumain. Saka mga personal na gamit ko, ako na rin ang naglalaba. And ‘pag nandito naman siya, napakasarap magluto ng misis ko. ‘Yung mga anak ko nga nasa kabilang ibayo nakikipagsapalaran din,” pagbabahagi ng da­ting ‘Eat Bulaga’ host.

Naranasan ni Jimmy ang mangalakal ng mga bote at lata upang kumita ng salapi sa Canada.

Ibinebenta ng aktor ang mga nakalakal sa South Pointe Bottle Depot sa Calgary, Alberta, Canada. “Nakapag-vlog na rin ako doon, nangalakal ako, maganda naman ang sistema kapag nagangalakal kayo, malinis at talagang disiplinado ang mga tao roon,” kwento pa ng komedyante. — Reports from JCC

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with