^

PSN Showbiz

Drag race judge na si Jiggly Caliente, lumisan sa edad na 44!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Drag race judge na si Jiggly Caliente, lumisan sa edad na 44!
Jiggly Caliente

Pumanaw na kagabi ang resident judge ng reality contest na Drag Race Philippines na si Jiggly Caliente (Bianca Castro-Arabejo sa totoong buhay) sa edad na 44.

Ang pagkamatay ng drag artist ay inihayag ng kanyang pamilya sa isang post sa Instagram kagabi, na nagsasabing ang drag artist ay “payapa na lumisan noong Abril 27, 2025, ganap na 4:42 a.m. habang napapaligiran ng kanyang pamilya at malalapit na kaibigan.”

Nauna nang sinabi ng kanyang pamilya na naospital at pinutol ang kanyang  kanang binti dahil sa isang matinding impeksyon.

Si Jiggly ay kabilang sa mga hurado sa tatlong season ng Drag Race Philippines kung saan naging contestant siya sa Season 4 nito at Season 6 ng  RuPaul’s Drag Race All-Stars.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with