^

PSN Showbiz

JC Regino, nagpapatulong sa amang si April Boy

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
JC Regino, nagpapatulong sa amang si April Boy
JC Regino

Dalawang taon na ang nakalilipas nang pumirma ng kontrata si JC Regino bilang recording artist sa GMA Music. Ipinagpatuloy ng singer-songwriter ang mga naiwan ng amang si April Boy Regino. Maglilimang taon na ang nakalilipas nang pumanaw ang OPM icon dahil sa chronic kidney disease at acute respiratory failure. Hinding-hindi makalilimutan ni JC noong panahong pinauwi siya ni April Boy mula Amerika upang magkasama sila nang matagal. “’Alam ko mas masaya ka rito kasi mas mahal mo ‘yung music. Kumanta na ulit tayong dalawa. Wala tayong iwanan. Tayong dalawa ang laging magkasama, kakanta tayo, gagawa tayo ng mga kanta. Gagawa tayo ng mga awi­ting ipaparinig natin sa mga recording studio para kumanta na ulit tayong dalawa. Samahan mo ‘ko. ‘Wag mo kong iiwan. Gusto ko kasama kita laging mag-perform,’” emosyonal na kwento sa amin ni JC sa Fast Talk with Boy Abunda.

Hanggang ngayon ay naninibago pa rin umano si JC sa tuwing magtatanghal sa entablado dahil hindi na kasama ang ama. “Kapag siyempre kakanta ako stage, magpapasaya ako ng tao, napapalingon talaga ako minsan sa kanan o kaliwa. Kasi lagi siyang nando’n eh. Dalawa kaming nasa stage. Ngayon ako na lang eh,” paliwanag niya.

Aminado ang singer-songwriter na talagang nararamdaman niyang may kulang sa lahat ng kanyang mga ginagawang proyekto dahil sa pagkawala ni April Boy. Para kay JC ay mas magandang nasaksihan pa sana ng namayapang OPM icon ang lahat ng kanyang ginagawa ngayon. “Mas maganda siguro sana kung nakikita niya. Proud kasi siya sa akin eh. Kasi nga sa ‘kin niya itinuro lahat ng pagkanta, paano maggitara, paano magpasaya ng entablado. Tapos ngayon kulang na kulang. Sa kanya ko po kasi lagi pinaririnig ‘yung kanta ko. Ngayon wala na ‘yung ‘pag pupunta ako do’n nagsasabi sa ‘kin, ‘Anak, ang ganda ng ginawa mong kanta.’ ‘Di ko alam kung tama ba ‘yung mga ginagawa kong kanta o hindi. Kasi siya ‘yung nagsa-suggest sa akin kung, ‘Anak, ito, palitan natin lyrics niyan,’” pagdedetalye ni JC.

Isinulat ni JC ang kantang Idolo bilang pagkilala at pagpupugay kay April Boy. Nagkaroon ng collaboration ang singer-composer at ang mga tiyuhing sina Vingo at Jimmy ng April Boys upang mas maging makabuluhan ang bagong awitin. “Isinulat ko po talaga ‘yon para sa mga tagahanga, sumuporta, sa lahat po ng nagmahal sa awitin ni dad, April Boy Regino at ng April Boys. Niyaya ko po ang mga uncle ko na kami ang kumanta para mas maging makahulugan po,” nakangiting pahayag ng singer-composer.

Samantala, malaki raw ang naging impluwensya ni April Boy kay JC pagdating sa pagiging isang ama. Siyam na taong gulang na ngayon ang anak ni JC na si Aizen. “Kung ano ‘yung nakikita ko kay dad, ako po ‘yon. Talagang mahal na mahal ko po si Aizen. Paborito siya ng lola niya. Siya ang nag-iisang apo eh. Dito po siya pinanganak para makita ni daddy. Mahina siya no’ng time na ‘yon, malapit na siyang mabulag no’ng panahon na ‘yon. Bilang ama pinakikita ko kay Aizen kung paano ako minahal ni daddy,” pagbabahagi ng anak ni April Boy. — Reports from JCC

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with