^

PSN Showbiz

Social media personalities, ‘di pa rin kasing ningning ng mga artista

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Social media personalities, ‘di pa rin kasing ningning ng mga artista
Sue Ramirez at Dominic Roque

Ramdam na ramdam pa rin ang pagkawala ng stars na iniwan na ang showbiz.

Meron pa rin ‘yung sadness dahil nga nagkasunud-sunod. Para nga tuloy maiisip mo na parang curse dahil bakit ganun, halos lima na sunud-sunod. Para ngang linggu-linggo luksa ang paligid.

Kung bakit kung kelan pa parang nawalan ng sigla ang industriya, saka naman nangyari ito. Talagang nabigla rin ang mga involved dahil hindi nila akalaing magkakaroon ng ibang diversion.

Ngayon tuloy pati ang rating ng free TV, apektado. Iba rin ang naging pagtanggap kahit sa mga bagong show. Mukha talagang kailangan ang malalim na pag-aaral paano maaayos ang lahat.

Kaya nga aligaga si Pat-P Daza ng Brightlight Productions kung ano ang mga programang dapat bigyang pansin para tuluy-tuloy ang trabaho ng kumpanya.

Alangan naman Ivana Alawi sila buong araw, magsasawa naman mga manonood.  Hindi rin naman siguro exciting ang Dominic Roque at Sue Ramirez dahil sabi nga economy na lang at hindi na business class ‘pag bumibiyahe.

Suwerte rin ang magiging bagong girlfriend ni Victorias City Mayor Javi Benitez ha, bachelor na, pang-business class pa.

Showbiz now is so volatile kaya hintay-hintay ang lahat.

Hindi rin naman ako naniniwala na mas sikat na ang social media personalities.

Iba pa rin ang premium ng mga artista noh. Hindi sila pwedeng tapatan ng social media personalities kahit milyones pa ang followers niya na ang chika ay pwede namang bilhin. Hahaha. Babu.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with