^

PSN Showbiz

Maris naluha nang mapanood ang sarili sa Italy; Kathryn at Nadine, kandidata ring gumanap na Nora aunor sa pelikula

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Maris naluha nang mapanood ang sarili sa Italy; Kathryn at Nadine, kandidata ring gumanap na Nora aunor sa pelikula
Maris Racal

Naging emosyonal ang Kapamilya star na si Maris Racal matapos mapanood sa unang pagkakataon ang pelikula niyang Sunshine sa Far East Film Festival sa Udine, Italy.

Sa isang video ng producer ng pelikula na Project 8 Projects pinalakpakan nga raw si Maris sa buong theater.

Sa post naman ni Maris ay sinabi niyang “finally napanood ko na kagabi ang Sunshine. I have no words. i just want to thank my director, @tonetjadaone for this story. Ang tapang, ang bigat, at sobrang importanteng mapanood ng mga tao lalo na ngayon. Excited na kaming iuwi ang Sunshine para sa inyo!

“Thank you for this experience @fareastfilm !”

Nadine Lustre at Kathryn Bernardo

Sinasabing ang Far East Film Festival ay isa sa pinakamalaking Asian film festivals sa Europe.

Parang burado na nga ang mga pinagdaanang kontrobersiya ni Maris at ka-loveteam niyang si Anthony Jennings.

Samantala, kabilang si Maris sa pinagpipilian na gumanap na Nora Aunor sakaling matuloy ang binabalak na biopic ni Ate Guy.

Aside from Maris, lumulutang din ang pangalan nina Kathryn Bernardo at Nadine Lustre?

Ahhh. Sino kaya ang bet ng Noranians?

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with