Alden, susundan ang ginawa ni Xian!

Ang bongga ni Alden Richards na magpipiloto naman daw.
Kung sa nakaraang post niya sinabi niya “Another era begins…” na ang itinutukoy niya ay ang bagong hilig niya sa pagbibisikleta, hindi pa pala natatapos iyon doon dahil meron pa siyang ibang gustong gawin.
Sa caption niya sa bagong post niya ay sinabi naman niyang “Reaching new heights, one flight at a time” kasama ang mga litrato habang nasa isang Pilot Training School.
Tinanggap na raw pala niya ang offer na scholarship sa kanya.
Hindi lang daw pala niya iyon pangarap kundi pati rin ng tatay niya.
Mahilig daw talaga siya sa matataas na lugar at nag-skydive pa nga raw siya sa Dubai at sey pa niya “I love to fly.”
Sey nga ng follower niya ay wala raw magawa si Alden sa pera niya at sigurado na bibili pa iyon ng sariling eroplano kapag ganap na siyang piloto.
Kung afford niya naman ‘di ba.
Dagdag pa ang kapogian niya kaya bagay na bagay talaga sa kanya ang maging piloto.
At ang wais lang din talaga niya sa pera dahil alam niyang ‘di naman forever ang showbiz career niya kaya ngayon pa lang ay may fallback na siya kung sakali.
Mukhang inspired na inspired si Alden ngayon kaya kung anu-anong bagay ang ine-explore niya.
In fairness, parang hindi siya napapagod talaga.
Naalala tuloy ng fans niya si Xian Lim na piloto na rin.
Deserved talaga ni Alden lahat ng blessings dahil napakabait at matulungin niya.
Kaya fly high, Alden!
Bongga.
- Latest