Junior actor na may ka-loveteam, may lihim na dyowa!
Pakagat lang sa fans ang lambing ng isang junior actor sa kapareha niyang nakatulong para umangat ang sariling career!
Sumakay sa sistema ng loveteams ang aktor. That time, may dyowa pa ang ka-loveteam. Palambing-lambing kapag nakikita sila ng ka-loveteam in public.
Eh nagustuhan ng tao ang loveteam nila. Sinamantala ito ng aktor sa pagbibigay ng false hopes sa mga faney!
But the truth is, may itinatagong dyowa pala ang junior actor. Kaya hindi niya mapormahan nang todo ang kapareha, huh!
Kumbaga, belong na si aktor sa user-friendly kung saan panlabas lang ang ka-sweet-an sa kapareha pero deep inside eh merong ibang kalandian!
Bossing Vic, sinagot ang pamasahe ng eb contestant!
Umiral muli ang pagiging generous ni Vic Sotto. This time, isa contestant sa The Clones ang nabiyayaan ng blessing kay Bossing.
Sa interview sa contestant, sinabi niyang nag-ambagan ang mga kaibigan niya sa isang probinsiya sa Mindanao para makapunta siya sa Eat Bulaga at sumali.
Pasado kasi sa online audition ang contestant kaya naglakas-loob lumaban nang personal through the help of friends para sa pamasahe.
Eh kahit hindi manalo, meron naman daw consolation prize siyang makukuha. Dito na sinabi ni Vic na sagot niya ang pamasahe pauwi sa province kung hindi mananalo at kung sakaling palaring manalo eh sasagutin din ni Vic ang pasamahe niya back and forth!
Simpleng generous si Vic na hindi alam ng marami. Kaya naman puno siya ng biyaya lalo na sa panibagong birthday niya na ang alam namin eh ngayong araw, April 27, ang kaarawan ni Vic at kahapon ang selebrasyon niya sa Eat Bulaga!
Happy, happy birthday, Bossing Vic!
- Latest