Fairy walk ni Anne na super viral, nakatulong para magtaas ng presyo ang mga ari-arian sa Siquijor

Wow, biglang taas daw ang halaga ng mga property sa Siquijor.
As in mga foreigner pa diumano ang nagkaka-interes na bumili ayon sa isang residente sa nasabing probinsiya.
Ang feeling nila malaki ang epekto ng fairy walk ni Anne Curtis sa isang batis doon na libu-libo na ang gumaya pero walang naka-perfect like Anne.
Almost 100 million na ang views ng video na ‘yun ni Anne na nag-fairy walk ang actress na naka-two piece.
Sa post nga ni Anne may-caption siyang “Huwag muna tayo umuwi. Hello, Siquijor. #DayOffNiMia”
Anyway, matapos ang isang dekada na pahinga sa paggawa ng mga teleserye, muling nagbabalik si Anne sa teleserye para sa kanyang dream role bilang Emelia “Mia” Hernandez, ang katumbas ni Ko Moon Young sa Philippine adaptation ng hit Korean drama series na It’s Okay To Not Be Okay. Pagbibidahan ito nina Anne, Carlo Aquino at Joshua Garcia .
Nauna nang ibinahagi ni Anne na inaasam niya ang role na ito habang pinapanood ang orihinal na Korean series ilang taon na ang nakalipas.
Iikot ang serye sa kwento ng buhay nina Mia (Anne), isang babaeng may antisocial personality disorder, at PatPat (Joshua), isang psych ward caretaker, na umikot ang mundo sa pangangalaga sa kanyang autistic na kuya na si MatMat (Carlo).
Natapos na silang mag-taping ayon sa mga post ni Anne.
- Latest