Enchong, muntik nang magsara ang lalamunan sa allergy attack!
‘Kaloka pala ang nangyari raw kay Echong Dee nung atakihin daw ito ng allergy.
Ibinahagi niya ang litrato noong nasa ospital siya at halatang hindi basta-basta ang nangyari sa kanya.
Kasabay ng pasasalamat niya sa lahat ng ER doctors at nurses na nag-asikaso sa kanya sa Makati Med kasama ang litrato ng kamay niya na may patient ID wristband.
Halos magsara raw pala ang lalamunan niya kung hindi dahil sa mabilis na aksyon ng mga iyon.
Hindi raw talaga niya alam ang buong listahan ng allergies niya kaya ngayon iyon ang priority niya pagkatapos niya sa trabaho.
Naku totoo rin ang sinabi niya na hindi biro ang gastos sa ospital.
Nang ibahagi nga raw niya ang life threatening post niya tungkol sa kanyang allergy attack, ang purpose raw niya ay mag-educate para alamin ng marami ang kanilang personal allergies para maagapan ang delikadong insidente at para kumuha raw ng health insurance para hindi masakit sa bulsa ang hospital bills.
Ang dami raw kasi niyang nakikitang maling impormasyon at misan bastos pa.
Kaya panawagan nga niya ay sana raw maging mature ang lahat para makita naman ang kabutihan sa pagpapakalat ng makabuluhan at nakakatulong na impormasyon.
Totoo naman kasi na marami ang pwedeng matulungan ng mga ganoong insidente pero sa halip na matuto ang iba ay minalisyahan pa raw ang post niya at kung anu-ano pang sinabi sa kanya.
Teka, kumusta na kaya ‘yung demanda kay Enchong? Natuloy ba ‘yun? O nabasura na?
‘Kaloka.
- Latest