‘I’m an impulsive buyer’-Darren

Lubos ang pasasalamat ni Darren Espanto para sa kabi-kabilang proyekto na kanyang ginagawa. Bukod sa mga produktong ineendorso ay napapanood din ang singer sa It’s Showtime bilang host mula Lunes hanggang Sabado. Tuwing Linggo naman ay napapanood bilang performer si Darren sa ASAP. Nakatakda ring ilunsad ng singer ang isang bagong album ngayong taon.
Sa edad na 23 taong gulang ay mayroon nang mga naipundar ang singer.
“I’m very grateful for all the blessings that have come my way, sa lahat ng mga opportunities and I always say na ‘yon din ang tinuturo ng magulang ko, to be able to share your blessings with others. I find ways to save money while also being able to share my blessings sa family members ko, with my friends, and those in need, along with my Darrenatics. May mga charities kami na tinutulungan. May mga bagay ako na pinag-ipunan talaga, whether it be a new car that I have my eye in or lupa to invest,” nakangiting pahayag ni Darren sa ABS-CBN News.
Noong Setyembre ay nag-post ang binata sa Instagram tungkol sa bagong kotse na kanyang nabili. Tinatayang nasa 18 milyon ang halaga ng sasakyan na binili ni Darren para sa pamilyang nakabase sa Canada. “I felt so happy kasi it was our family car when I was growing up. Tapos parang ang tagal naming naghintay for it to have kind of a remodel. Recently, I started to have a lot of innovations sa interior. So that’s why I asked my parents if I could buy another one again. Nasa Canada siya, for my family din naman kasi,” pagbabahagi ng singer.
Masinop umano si Darren sa lahat ng kanyang mga kinikita mula sa trabaho. Humihingi ng opinyon ang singer sa mga magulang kapag mayroong bibilhing mga bagay. “I’m an impulsive buyer. When I see something that I want, I’ll try and save up for it or I’ll buy it when I see it. Kasundo ko nanay ko sa shopping eh, lalo na ‘pag matagal kami sa mall. Kapag alam kong medyo may kamahalan, tini-text ko ‘yung parents ko or tatawagan ko. But most of the time, they know naman what my limit is kapag sa shopping or nasa galaan,” paliwanag ng binata.
Ruffa, ayaw malisyahan ang pagdalaw ni Yilmaz
Nakatakdang magkitang muli sina Ruffa Gutierrez at Yilmaz Bektas sa susunod na buwan. Pupunta umano mula Turkey ang dating asawa ng aktres sa Pilipinas upang makapiling ang mga anak na sina Lorin at Venice.
Kasalukyang nag-aaral sa Amerika ang mga mga anak nina Ruffa at Yilmaz na uuwi rin sa bansa sa Mayo upang makapiling ang ama. Maayos ang pakikitungo nina Ruffa at Yilmaz sa isa’t isa para sa kanilang dalawang anak na babae.
“We shared something together. Iba talaga ‘yung asawa than a girlfriend. It helped that he’s far away. Walang gulo, he’s not here. I raised the girls on my own. I never said anything against Yilmaz. I told my girls the truth, but I also insisted that they respect their dad. My kids are my best friends. So, I tell them everything. I don’t hide anything from them. Love of a father is also important. My kids are always looking forward to spending time with their dad,” makahulugang pahayag ni Ruffa.
Magdadalawang dekada na ang nakalilipas nang huling nagkita ang dating mag-asawa. Walang problema kina Ruffa at Yilmaz kung mayroon man sila ng ibang karelasyon mula nang nagkahiwalay. “He has no right to question me about my love affairs. I also don’t have the right to get mad at him whoever he dates lately,” giit ng aktres.
Ayon kay Ruffa ay hindi kailangang lagyan ng malisya ang muli nilang pagkikita ng dating asawa. Maraming nagpadala ng mensahe kay Ruffa nang mabalitaang pupunta si Yilmaz sa Pilipinas sa Mayo. “Don’t message me. I am no longer in Yilmaz’s life for so many years. To all the women who reacted, please don’t message me. They got affected. Let him come and spend time with his kids. It’s not about me anymore. It’s about him having connection with the kids again,” paglilinaw niya. (Reports from JCC)
- Latest