^

PSN Showbiz

Hunk brother ng aktor, ramdam na ang kabaklaan!

Jun Nardo - Pilipino Star Ngayon

Guwapo at hunk ang dating ng kapatid ng isang guwapong aktor na leading man type.

Hindi pa ito masyadong exposed sa showbiz pero puwedeng makatanso dahil hindi ordinaryo ang kaguwapuhan.

‘Yun nga lang, may galaw itong malambot. Napansin ‘yan ng isang acclang host nang ma-guest niya sa kanyang vlog.

Nakita namin ang hitsura ng bradir na ito ng aktor. Pero kapag pinasok ang showbiz, malamang na hindi makaligtas ang lambot niya sa mga acclang mapanuri sa kasarian ng lalaking borta ang dating, huh!

Swak sa showbiz ang bradir ng guwapong aktor dahil marami naman siyang katulad sa showbiz na tinatago ang kaacclaan, huh!

Kyline, tiklop sa nanay ng mga ex!

Ang showbiz couple na sina Cristine Reyes at Marco Gumabao ang latest showbiz couple na pinagpupustahang hiwalay na!

Dala ito na un-follow-han ng dalawa sa kani-kanila ng Instagram account, huh!

Minsan totoo, minsan, hindi na basis ang pag-unfollow sa social media account ng isang showbiz couple.

Take the case of Kyline Alcantara and Kobe Paras. Bulung-bulungan lang nung una hanggang sa may cheating factor nang ibinibintang kay Kobe Paras, huh!

Pero sa panig ni Kyline, tahimik lang siya. May paminsan-minsan siyang post pero hindi natin alam kung para kanino ‘yun.

Bakit ganoon? Nung si Mavy Legaspi ang BF ni Kyline, ang nanay ni Mavy na si Carmina Villarroel ang may mga cryptic post! Now, it’s Kobe’s mom na si Jackie Forster ang may ganitong drama.

Problema ba si Kyline as GF kaya ang madir ng naging dyowa ang nagtatanggol?

Or it’s the other way around?

Mas makabubuti kung magsasalita na si Kyline!

KYLINE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with