Annabelle Rama, asawa ni Janine ang tawag kay Echo

Dati hate na hate para kay Heart
MANILA, Philippines — May issue kaagad ang joke ni tita Annabelle Rama kay Janine Gutierrez noong wake ni Superstar and National Artist Nora Aunor – huling gabi ng lamay ng lola ni Janine.
Lumapit kasi si Janine para alukin ng dinner si tita Annabelle na nag-joke ng “asan ang asawa mo” na ang tinutukoy ay si Jericho Rosales na nung andun kami ay wala pa ang actor.
Natawa ang reaction ni Janine at hindi na nakakibo sa banat ni tita Annabelle.
At sabi pa ng mommy nila Ruffa Gutierrez, gusto niya ang actor para sa anak nina Lotlot de Leon at Ramon Christopher.
Anyway, dahil si Jericho ang pinag-uusapan naungkat ang kuwento sa actor at kay Heart Evangelista.
Tawang-tawa siya nang ikuwento ulit niya na inintriga niya talaga noon sina Jericho at Heart Evangelista.
Ayaw raw niya noon kay Jericho para kay Heart na nagpapa-handle sa kanya. Kaya sinabi raw niya kay Heart na may relasyon noon sina Carmen Soo (Malaysian actress na naka-partner ni Jericho sa isang teleserye).
Hahaha.
True enough naman naghiwalay noon sina Heart at Jericho at gumanda ang career ni Heart sa GMA 7 na nung una raw pumunta sa kanya ay ang payat-payat at gusto niyang painumin ng Vitamin C.
And the rest is history na. Ngayon ay malaking bagay ang kapayatan ni Heart sa kanyang pagiging international fashion icon na katatapos lang tumanggap ng Global Fashion Influencer of the Year award sa Dubai.
Samantala, narinig din ng isang nasa wake na tinawagan kaagad ni Pangulong Bongbong Marcos ang isang assistant para ayusin ang natirang hospital bill ni Ate Guy.
- Latest