Jodi, matindi ang pananakot!

Naging ambisyosa
Nakakaloka ang pelikulang Untold.
Ang lakas ng jump scare, starring Jodi Sta. Maria.
Ganda rin ng story, very now. Maraming tiyak na makaka-relate na mga manonood dahil naka-focus ito sa ambisyosang TV reporter na panay ang hanap ng scoop para sumikat at makilala kasabay ng kanyang pangarap na bigyan ng kaligayahan ang nanay niya na ginampanan ni Gloria Diaz.
Ang galing ni Jodi at bagay na bagay sa kanya ang character ni Vivian na ginagawa ang lahat para maka-scoop habang nalalagay sa kapahamakan ang mga taong mahal niya sa buhay kabilang na ang kanyang karelasyong cameraman na ginampanan ni Joem Bascon.
Pero naapektuhan nito ang kanyang mental health.
Grabe ang mga eksena, mapapatalon ka sa gulat.
Nakakuha ito R-13 without na dinirek Derick Cabrido.
Kahit kami, hindi namin napigilang tumili. Bago talaga ang approach at pang-millennial ang target.
Hindi predictable ang kuwento at hulaan n’yo kung ba’t Untold ang story na idea pala ni Roselle Monteverde.
Mapapanood ang Untold sa mga sinehan simula sa April 30. Showing din ito sa abroad – May 2 sa Hong Kong, Singapore, US, Canada, Guam and Saipan.
May nararamdamang konting takot ang mag-inang Roselle and Keith Monteverde ng Regal Entertainment na producer ng pelikula dahil nga sa sitwasyon ng local movie industry. Pero malakas ang loob nilang lalaban ito sa takilya lalo na at nakita nilang iba ang pelikula sa mga nauna nang horror film ng Regal.
Samantala, tuloy ang pag-a-adopt ng pusa ni Jodi. Sa kanyang post the other day: “Adopting a pet isn’t just giving them a home – it’s giving them a second chance at love and life.
“I’ve seen how adoption can heal not just their hearts but ours too. Let’s always keep a space in our hearts for animals… their loyalty, joy, and pure souls make the world a kinder place.”
- Latest