^

PSN Showbiz

Wild Wild After Party ng South Korea, magpapaligaya sa Maynila

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Wild Wild After Party ng South Korea, magpapaligaya sa Maynila
The Wild Wild After Party
STAR/File

Handa ka na bang sumayaw at magpakasaya?

Ang The Wild Wild After Party, isang high-energy dance at performance show mula South Korea, finally ay darating na sa Manila sa Mayo 24. Magaganap ito sa New Frontier Theater, bilang parte ng kanilang Asia tour.

Ang show ay 75 minutes na punong-puno ng intense na choreography, athletic na galawan, at solid na stage presence. Hindi lang ito para sa mga kababaihan, kundi para sa kahit sinong gustong makaranas ng kakaibang, visually exciting na show na siguradong makakapagpa-wow sa’yo.

May dalawang klase ng show na puwedeng pagpilian: isang exclusive para sa mga babae, at isa pang open sa lahat ng gender.

Kaya kung gusto mong manood nang kasama ang tropa o ang jowa, may option ka!

Ayon sa mga organizer, ang show na ito ay celebration ng self-expression, galaw, at koneksyon sa audience.

Ilang talented artists mula Korea ang magpe-perform—mga kilala sa husay at karisma nila sa entablado.

Available na ang tickets sa TicketNet (www.ticketnet.com.ph) at may limang presyo depende sa seating: Wild (P8,500), Untamed (P7,500), Intense (P6,500), Electrify (P5,500), at Modest (P4,500).

Sabi ng mga producer, ang goal nila ay dalhin sa Maynila ang parehong energy at crowd experience na tumabo sa iba’t ibang Asian cities.

SOUTH KOREA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with