Inigo, tanggap na mas pogi sa kanya ang amang si Papa P

Hindi na bago kay Inigo Pascual na maikumpara sa amang si Piolo Pascual. Isang malaking karangalan naman para kay Inigo na palaging naihahalintulad sa ama. “Para sa akin hindi ko siya matatanggal sa buhay ko, sa pagkatao ko, kung sino ako. Kasi wala naman ako sa mundong ‘to kung wala ‘yung tatay ko, magulang ko. Para sa ‘kin hindi siya obstacle, hindi siya problema. Kasi wala naman ako sa industriyang ito kung wala rin naman ‘yung tatay ko. Para sa akin it’s an honor that I get. It’s an honor to be compared to my dad. To even be compared to Papa P, isang karangalan ‘yon,” makahulugang pahayag sa amin ni Inigo sa Fast Talk with Boy Abunda.
Tanggap ng binata na talagang mas gwapo sa kanya si Piolo. “Oo naman, super. Sa mga kaibigan ko, mas ipinagmamalaki ko pa si papa na parang, ‘Ito ‘yung tatay ko. Can you believe it? This is my dad. He looks like my older brother.’ For me that’s more of a bragging right. Hindi ko siya ikinakahiya,” giit ng aktor.
Mayroong mga pagkakataong hindi raw pinaniwalaan si Inigo na si Piolo ang tunay niyang ama. Nangyari ang insidenteng ito noong bata pa ang aktor. “Growing up, I was always asked by my teachers, ‘Where’s your dad?’ if you’re not gonna bring your dad to school then you’re not actually his son.’ I was not publicly known at that time yet. It happened when I was 2nd or 3rd grade before I moved to the States,” kwento ng binata.
Naging abala si Inigo sa Amerika para sa ilang mga proyektong nakatakdang gawin ngayong taon.
Matatandaang nakabilang na si Inigo sa American drama series na Monarch noong 2022. “I’ve been doing so many auditions and I love the process of it. This coming 2025, I’m not allowed to talk much about it. But I’m gonna be doing another film in the States where I’m gonna be the lead for it. So, I’m excited, non-stop auditions. I’ve done 25 total auditions. You could imagine, I’ve only landed 2 or 3, it’s hard,” paglalahad ng aktor.
Kahit kabi-kabila ang gagawing proyekto sa Amerika ay sinisiguro ni Inigo na babalik pa rin siya sa Pilipinas. “Right now, I’m going through a phase where I took my time in the States. But I’m deciding to come back here and really make sure that I get to do more projects that I can here in the Philippines. Dito pa rin ang buhay ko, dito ako ipinanganak. I don’t wanna leave and at the same time whatever opportunity that I can take in the States, I will grab it,” paliwanag niya.
Napapanood na ngayon sa mga sinehan ang pelikulang Fatherland kung saan kasama si Inigo. Ayon sa aktor ay malapit sa kanyang puso ang karakter niya bilang si Alex dela Cruz sa naturang proyekto. “Growing up ang dami kong tanong sa sarili ko, sa tatay ko, sa buhay ko. Bakit magkahiwalay ‘yung magulang ko? Bakit sikat na sikat ‘yung tatay ko? Bakit kailangan ko mag-aral abroad? Just like Alex, my character, wala siyang natatandaan sa childhood niya. So hindi niya matandaan ‘yung tatay niya. No’ng namatay ‘yung nanay niya, gusto niya hanapin ‘yung natirang magulang niya na buhay,” pagdedetalye ni Inigo. (Reports from JCC)
- Latest