^

PSN Showbiz

Miles hindi na apektado ‘pag tinatawag na mataba, Online Shopping ang bonding kay Kris

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hindi na naaapektuhan si Miles Ocampo ‘pag sinasabing mataba siya or overweight.

Wala na raw siyang pakialam sa mga body sha­mer na pinupuna ang kanyang weight dahil sa kanyang sakit.

Sa kasalukuyan ay maayos na ang health condition ni Miles. Binawasan na rin ang maintenance medicine niya.

Cancer-free na rin siya kaya wala na siyang inaalala.

Gusto na lang niya ngayong mag-focus sa kanyang career.

“‘Yung weight ko po kasi nga nagpapalit-palit po siya every three to four months, depende sa meds ko.

“So nung mga una po, grabe ‘yung frustration ko kasi syempre parang ‘di ko naman mapapaliwanag sa lahat ng tao na ‘my weight is like this because of my meds, because of my maintenance meds.’ Dumating po talaga sa time na after operation ko pinapabalik ako sa Bulaga, ayoko pang bumalik kasi alam kong manas ako, alam kong ‘di ako confident sa sarili ko,” kumpisal ni Miles pagkatapos ng welcome presscon na inihanda ng kanyang bagong managent, All Access To Artists.

“Tapos hanggang sa eventually sa tulong ng mga tao sa paligid ko, parang ‘bakit ba ako nai-stress sa isang bagay na I can’t control. And I don’t have to explain myself all the time sa mga tao. Syempre gagawin ko rin ‘yung part ko, dahil bilang artista, syempre kailangan naman po na presentable tayo.’ Pero nasa point ako ngayon na in-embrace ko kung anong katawan ko kasi kung pati ako ay… kung ibang tao nga may kino-comment tapos pati ako magiging ganun tingin ko sa sarili ko, parang mahirap for me to please people, everyone.

“At least ako po ngayon, ine-embrace ko kung anong katawan ko, my situation, as long as I’m doing my part. Wala, ‘di na po ako naaapektuhan talaga ‘pag sinabihan akong mataba. Wala na siya talaga,” dagdag niyang paliwanag.

A year ago, nang isiniwalat ni Miles na sumailalim siya sa operasyon upang alisin ang kanyang mga thyroid gland matapos siyang ma-diagnose na may Papillary Thyroid Carcinoma, ang pinakakaraniwang uri ng thyroid cancer na, kung hindi magagamot, ay maaaring kumalat sa ibang bahagi ng katawan.

Kinumusta rin namin kay Miles si Kris Aquino : “Ah yes, I was with… ‘di ko pala siya naabutan. Kasi nag-birthday si Bimb the other day, I was there and nadadalaw ko rin po si Tita Kris. Constant naman ‘yung communication namin. Parang I’ve worked with her,  ano pa ako… 10 years old? 11 years old? Parang ganyan. Tapos magtu-28 na ako, constant pa rin ‘yung communication namin.”

Very lucky ka na isa ka sa mga ina-allow niyang makita siya? “Yes, opo. Masuwerte ako kasi si Tita Kris, ‘pag love ka, love ka talaga. Even after ilang years na po ‘yun parang ‘di naman nawala ‘yung communication namin. And masaya ako na ‘yung alam mo po ‘yung trust na binibigay, ‘yun nga po siyempre, hindi lahat.”

Anong nararamdaman mo ‘pag nakikita mo siya? “Siyempre nakaka-sad, ‘yung payat niya. Siyempre sino ba naman ‘yung gustong nahihirapan siya, ‘di ba? But naniniwala naman kami na ‘yung prayers, and sa dami ng doctors niya. We’ll pray for her recovery.”

Ano usually ang bonding nila ‘pag nagkikita sila ni Kris? “Wala, ano lang… tsismisan lang talaga or nasa phone lang siya nagsha-shopping, mga ganyan.”

Online shopping? “Yes, online shopping.”

So pinagsha-shop ka ba niya? “Oo normal, si Tita Kris naman napaka-generous sa lahat ng bagay.”

Ano ‘yung gift niya sa ‘yo na hindi mo makalimutan? “I stayed with her for three to four months nung pandemic, basta napakahaba ng kwento, ang nangyari, nagka-COVID ako, ta’s galing ako sa house niya. Ang gusto niyang mangyari, siguraduhin niyang safe ako. Tapos parang that time nagkaroon ng lockdown so we went to Pampanga, dun kami nag-lockdown. So I was with her for three to four months everyday tabi kaming matulog. So isa si Tita Kris sa mga taong pinagkakatiwalaan ko at hinihingian ko rin ng advice ‘pag kailangan ko.”

 About lovelife, hinihingian mo rin ng advice? “Si Tita Kris, oo. Basta masaya raw ako. Pero hindi pa sila nagmi-meet ni Elijah (Canlas), hindi pa.”

Anong comment niya kay Elijah? “Basta sabi niya masaya raw ako, ok naman siya. Kung saan daw ako masaya, malaki na raw ako.”

Anyway, six years ang pinirmahan niyang management contract with All Access To Artists. At marami silang plano sa actress.

Pero wala aniyang intriga sa pag-alis niya sa management group nila Maja Salvador, Crown Artist Management Inc.

She began her career as a commercial model for a food brand and as a child actress starring in TV shows such as Mangarap Ka, Krystala, and  Goin’ Bullit. She also starred in the teen-oriented show, Luv U.

She played the lead roles in the afternoon drama, And I Love You So, and in the movie, Write About Love, and supporting roles in the blockbuster movies, A Very Special Love, You Changed My Life In A Moment, and It Takes A Man and A Woman. Most recently, she hosted the game show, Emojination, and played the lead role in Padyak Princess.

Nakuha naman niya ang first acting award niya for the Metro Manila Film Festival 2023 entry, Family of Two, as the Best Supporting Actress.

She is currently one of the main hosts of the longest noontime show, Eat Bulaga. 

Proud naman ang All Access To Artists na tanggapin si Miles na pinamumunuan ng President and CEO ng kum­panya na si, Direk Michael Tuviera; CFO and COO, Mr. Joselito C. Oconer; and Head of Operations and Sales, Ms. Jacqui L. Cara.

Makakasama niya sa Triple A sina Marian Rivera, Maine Mendoza, and Carla Abellana, to name a few.                            

MILES OCAMPO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with