Janine, naglabas ng damdamin sa pagkawala ng dalawang lola
MANILA, Philippines — Ramdam kay Janine Gutierrez ang lungkot sa magkasunod na pagpanaw ng kanyang dalawang lola na parehong entertainment legends, Pilita Corrales and Nora Aunor.
Sa kanyang broadcast channel sa Instagram, sinabi niyang ito ‘yung unang araw na wala siya sa lamay.
Magkasunod na pumanaw ang dalawang lola nila sa mga magulang na sina Lotlot de Leon at Monching Gutierrez.
“It’s the first time in 10 days that I’m not at a wake. This Holy Week, my siblings and I lost two lolas, mama and papa’s mothers. Kakauwi lang namin galing sa wake ni Mamita ng mga alas-kwatro ng hapon nung April 16, pagdating ng alas-diyes ng gabi, tumatawag na ulit ‘yung kapatid ko sa chapel para kumuha ng kwarto, para naman kay Mama Guy.
“It’s been difficult and even unbelievable, but all throughout, you have helped us so much with your support and love. Thank you so much for your thoughts and prayers, dropped by or had us and our lolas in your mind.”
Nabanggit niyang may plano sana siyang mag-travel noon pero nagdesisyon siyang mag-stay na lang at maglinis ng bahay.
“Initially, I blocked off the week to travel but decided to just spend it at home. Sabi ko mag-ayos nalang ako ng bahay at mag-aral ng script. Buti na lang hindi na ako umalis. Mamita passed away on my first free day and we buried Mama Guy on my last. Driving to my location today. I think of my two new angels and how they always powered through. I think of how I can continuously make them proud. It gives me comfort to know there are many of us who will always have them in our hearts. Thank you,” pagtatapos niya.
- Latest