^

PSN Showbiz

Alden, nasa bagong era!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Alden, nasa bagong era!
Alden

Ang bongga ni Alden Richards na nagsimula na naman daw sa kanyang bagong era, ang pagba-bike.

Sa post nito ay hawak niya ang bisikleta niya na may caption na “Another era begins…”

At kung totoo ang nagsabi ay nagkakahalaga raw iyon ng P313K na afford naman niya noh.

May mga nagsasabi pa nga na ang dami na raw exercise na sinusubukan nito pero mukhang malaman daw ito ngayon.

Mukhang ine-enjoy nga kasi ng Kapuso actor ang pahinga niya habang wala pa siyang ginagawang proyekto.

Saka halata sa awra niya na masaya siya ngayon ha.

Ngayon lang din siguro siya nagkaroon ng oras na mag-explore sa mga bagay na gusto niya na kailan lamang ay aktibo sa pagtakbo at ngayon nga ay ang pagbibisikleta.

Nakakatuwa na inaalagaan talaga niya ang katawan niya at nasa fitness era siya ngayon.

Naku doble ingat lang sa pagba-bike lalo na at may mga driver na walang pakialam sa kalsada.

‘Kaloka.

Lorna, bumili ng condo

Nag-invite ng lunch si Lorna Tolentino dahil nabili niya ng sobrang mura ang Imperial property ko.

Dahil si LT naman bibili kaya talagang ibinigay ko ng cheap ‘yung unit. In fact may plus pa iyon dahil pinaayos ko sa interior decorator na binayaran ko pa ng P400K.

Wala na kasing nag-aalaga ng mga unit at iba kong property kaya dapat ma-dispose ko na para wala nang problema si Sneezy.

Kahit palugi kong binigay kay Lorna T ‘yung Imperial unit ko happy pa rin ako dahil parang hindi nag-iba ang may ari, ‘anak’ ko rin napunta.

Now, no more headache dahil clear na lahat mga dapat ko ayusin.

I have come to a point na ayaw ko nang anumang sakit sa ulo o stress, kaya ‘yung nagbibigay problema lalayuan ko o pipikit ko ang mga mata ko.

I will only look at all positive things para magaan. No more baggage on my shoulder. Hindi na kaya ng isang 78 ang problema kaya iwasan na.

Kung may problema ka, umalis ka noh. Wala akong oras para sa iyo, pakiusap. Gawing mas madali at mas masaya ang aking buhay.

ALDEN RICHARDS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with