Nora, Pilita, Gloria, margarita, paparangalan sa malacañang

MANILA, Philippines — Gagawaran ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng Presidential Medal of Merit ang mga kilalang personalidad na sumakabilang-buhay.
Sa isang mensahe, kinumpirma ni Palace Press Officer Undersecretary Atty. Claire Castro, na kabilang sa bibigyan ng pagkilala si National Artist Nora Aunor, at Pilita Corrales.
Si Pilita Corrales ay pumanaw noong Abril 12, 2025 sa edad na 87 habang ang tinaguriang superstar na si Nora Aunor ay pumanaw nitong Abril 16, 2025 sa edad na 71.
Gayundin ang batikang aktres na si Gloria Romero na pumanaw noong Enero 25, 2025 sa edad na 91 at ang Asia’s Best Female Chef na si Margarita Fores, 65, na pumanaw noong Pebrero 11, 2025.
Ang parangal ay dahil sa kanilang mga hindi matatawarang kontribusyon sa Philippine entertainment industry at gastronomy.
Gaganapin ang seremonya sa Rizal Ceremonial Hall ng Malacañang Palace ?sa Mayo 4, 2025.
- Latest