^

PSN Showbiz

Kontrobersyal na beauty queen-turned actress, nagka-depresyon sa abroad!

Jun Nardo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Napapansin ng marami ang absence sa showbiz scene ng isang kontrobersyal na beauty queen-turned actress.

Huling napansin ng netizens ang post ng beauty queen na nasa ibang bansa na may inaayos na may kinalaman sa personal niyang buhay.

Pero bigo siyang magtagumpay sa plinano niyang makita ang isang malapit na malapit sa kanya.

Kaya naman dahil sa kabiguan, naghahanap siya ng medical cure sa nararamdaman niyang depresyon na nagaganap sa kanyang personal na buhay, huh!

Miles, sumakses sa bagong management!

Sakses ang paglipat ni Miles Ocampo ng management. Mula sa kumpan­ya ng dating manager na si Maja Salvador, pumirma na ng kontrata si Miles bilang bagong artist ng All Access To Artists o Triple A.

Prinsesa treatment ang natikman ni Miles sa kanyang contract signing –presscon effect at may pa-flowers, huh!

“Ang sosyal! Ngayon ko lang natikman ang ganitong contract signing! Hahaha!” biro ni Miles.

Maayos naman ang hiwalayan nina Miles at Maja. Magiging gabay na ng Eat Bulaga host-comedienne ang big boss ng Triple A na sina direk Mike Tuviera, Jojo O’Conner at Jacqui Cara.

Ayon kay direk Mike, pamilya na ang turing nila kay Miles na siyang turo ng amang si Tony Tuviera sa lahat ng katrabaho. Eh ano naman ang plano nila kay Miles. “Meron kaming series na gagawin for Netflix. Iibahin namin sa daily niyang ginagawa sa Bulaga.

“At dahil magaling din sa drama, soon, gagawa kami ng movie para sa kanya,” sabi ni Direk Mike.

Makakasama si Miles sa Triple A sina Marian Rivera, Carla Abellana, Maine Mendoza at iba pang artists kaya honored siya sa blessing na ipinagkaloob sa kanya ng Triple A.

Jodi, mananakot hanggang abroad!

Mahirap kalabanin ang konsensiya! Lalo na’t korapsyon at ambisyon ang nangingibabaw sa tao!

‘Yan ang hatid ng bagong horror movie ng Regal Entertainment na Untold na nagkaroon ng special screening last Tuesday.

Magagaling ang cast na sina Jodi Sta. Maria, Joem Bascon, at rebelasyon si JK Labajo at iba pa at talagang aalamin mo ang resolusyon hanggang dulo ng pelikula!

Bagong kuwento ng horror na akma sa bagong panahon na dinirek ng multi-awarded director na si Derick Cabrido.

Binigyan ng R-13 ang Untold na mapapanood sa local cinemas sa April 30, May 2, sa Hong Kong, Canada, US, Guam at Saipan.

Mula ito sa producer ng Big Pinoy Horror Movies, ang Regal!

Congratulations, Madame Roselle and Atty. Keith Monteverde, at sa lahat ng Team Untold!

SHOWBIZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with