^

PSN Showbiz

FM Lightrix, nasungkit ang Golden Buzzer ni FMG

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ibinigay na ni Freddie “FMG” Garcia ang kanyang Golden Buzzer sa FM Lightrix matapos siyang mamangha sa performance ng grupo na gumamit ng makukulay na LED strips sa kanilang high-tech na dance number sa Pilipinas Got Ta­lent Season 7 noong nakaraang Linggo (Abril 20).

Binigyan ng kakaibang ilaw ng Cebu-based group na FM Lightrix ang entablado ng PGT gamit ang LED costume design sa kanilang high-energy dance routine. Ibinahagi ng grupo na layunin nila na matulungan ang kanilang mga miyembro upang makapagtapos ng pag-aaral.

Pinuri nga ni FMG ang husay ng FM Lightrix sa paggamit ng ilaw at hinangaan ang kanilang dance sequence at kakaibang konsepto. Sa kanyang pagiging hurado sa loob ng pitong taon, ito raw ang unang beses nakakita siya ng ganoong klaseng pagtatanghal.

Bukod dito, pinuri rin ni Donny Pangi­linan ang kagustuhan ng FM Lightrix na makapagtapos ang kanilang mga miyembro sa pag-aaral. Nagpahayag naman ng paghanga sina Kathryn Bernardo at Eugene Domingo sa talento at nakakabilib na performance ng grupo.

Ang Golden Buzzer ay isang special privilege ng apat na judges at hosts na nagbibigay sa kanila ng kapangyarihan na maghatid ng isang act diretso sa live semis.

Isang Golden Buzzer lang ang pwedeng gamitin ng bawat judge at hosts sa buong auditions.

Sa ngayon, tatlong Golden Buz­zers na ang nakuha matapos gamitin ito nina Robi Domingo at Melai Cantiveros, Eugene, at FMG. Dalawang Golden Buzzers na lang ang pwedeng makuha ng auditionees.

Abangan ang iba pang nakakamanghang performances sa Pilipinas Got Talent Season 7 tuwing weekend, 7:15 p.m. sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, at A2Z. Available rin ang programa sa nasabing timeslot sa TV5 tuwing Sabado at 7:45 p.m. naman tuwing Linggo.

PILIPINAS GOT TA­LENT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with