Annabelle Rama, nabentahan ng mga six carat na diamond si Ate Guy

Kabilang si Annabelle Rama sa mga dumagsa sa huling gabi ng burol ni Nora Aunor noong Lunes ng gabi sa Heritage.
Kasama rin dito ang dalawang presidente ng bansa nang gabing ‘yun, si President Bongbong Marcos with First Lady Liza Marcos at si former president Joseph Estrada kasama ang mga anak na sina Senator Jinggoy Estrada at Jude Estrada.
Andun din ang mag-asawang Judy Ann Santos and Ryan Agoncillo. At si Tirso Cruz III and his wife Lyn.
Pero si tita Annabelle ang naka-tsika namin na isang Noranian.
Isa siya sa talagang naging malapit noong panahong nag-uumpisa si Ate Guy sa showbiz.
“Kaibigan ni Eddie (Gutierrez) si Boyet (Christopher de Leon) ‘di ba, so madali ko siyang nakontak kasi ibinigay sa akin ni Eddie ang number niya, kay Boyet daw galing. Eh tagahanga talaga ako kaya si Nora sanay na sa akin. ‘Tita, saan (ang) lakad mo bukas? May recording ako.’ Sama naman ako sa recording. Oo, sama-sama lang ako, alalay. Nung kasikatan niya, nasa La Vista pa siya nakatira. Oo ‘70s kasi siya ang unang-una kong nabentahan ng alahas, eh. Six carats (left hikaw), six carats (right hikaw), six carats na singsing,” pagbabalik tanaw ni tita Annabelle.
“Magkano lang nung araw, day? 18 carat, P120K lang. Ganun kamura dati. Ako naka-una sa kanya. Investment, alam mo, nasanay na ako, nung araw ahente ako ng Miladay. Una kong nabentahan, si Nora Aunor,” dagdag pa niyang kuwento sa amin.
Marami ba siyang nabiling alahas sa iyo, Tita?
“‘Yun lang ‘yon, first and the last. Tama na, period na,” nagpipigil na pagkukuwento ng mommy nila Ruffa.
Pero ‘di pa rin natapos : “Bakit daw siya ang gusto ko? Kasi masa siya, eh. Masa ako. Kay Pacquiao (Manny) ganundin ako. Sa mga masa ako, kay Digong (former president Rodrigo Duterte) ganon din ako. Mayayaman sila pero ang mukha, mukhang masa ‘di ba.”
Bago umalis sa burol ay sinilip ni Tita Annabelle si Ate Guy sa casket at umalis na ito.
Sa pamamaalam ni Ate Guy sa lupa, ang dami niya naiwang aalala dahil naging mabait siya sa fans. Yup, hindi lang siya naging generous sa pera, hindi rin siya nagdamot sa fans na gustong magkaroon ng souvenir photos sa kanya. Na dapat tularan ng mga artista ngayon na ang aarte, bantay-sarado ng mga alalay nila.
- Latest