Sue at Dominic, mas simple ang lambingan

“Take a moment to breathe ,” sabi ni Sue Ramirez.
“Here are some random photos from the week that was. Happy Monday!” dagdag ng actress.
Kasama sa ibang photos niya si Dominic Roque na kasalukuyang karelasyon ni Sue.
Simple happiness ang photos nila, ibang-iba noong sila pa ng ex niyang si Javi Benitez.
Naka-private plane sila noon pag nagpupunta sa probinsiya at laging business class pag nag-aabroad.
Pero iba sa piling ng ex ni Bea Alonzo, simple lang. May mga pansit canton moment sila.
Lutang naman sa mga photo ni Sue ang kaligayahan sa piling ni Dominic na mas abala naman sa pagiging content creator kesa sa pagiging actor.
Andami niyang collab sa mga product kaya paldo na rin ito.
Sabagay, wala naman talaga sa yaman nasa kaligayahan.
Pero siyempre mas masaya kung maligaya na naka-private plane ka pa.
- Latest